[ AEMY'S POV ]
May magic ba si Jinny? para kasing gumaan ang pakiramdam ko ng bongga. Sinamantala ko narin ang pagkakataon at sinumbong si Kookie at sinabing lagi nalang siyang busy at di na ako hinaharap. With Vincent trying to patch things up, I can't afford to lose Kookie in the near future.
"Aemy, hindi na daw makakahabol si Jinny" ani Kookie na naka black turtle neck cream sweat shirt, black pants at leather shoes. Jusko, kelan ka pa natutong pumorma ng ganyan, kahit wala kang baril at bala, napapatay mo na ako sa kagwapuhan mo!
Gaya nga ng sabi ko, nagsumbong ako kay Jinny kaya nagplano siya na bigyan kami ng quality time. Marami kaming inimbitahan na alam naming di makakapunta, si Sugar alam ang plano namin na nauna nang nag-text na di makakarating at ang pang-huli ay si Jinny. Sa totoo lang, wala akong ideya kung ano ang gagawin namin ngayon.
"Badtrip naman yung si Jinny, akala ko ba sasamahan nating siyang mamili ng damit?" pagrereklamo ni Kookie na alalang-alalang nakatingin sakin.
"Di rin daw available sina Jhope eh.." panghihinayang kong sabi pero deep inside nagbubunyi ang buong pagkatao ko dahil solo ko siya ngayon.
"Sorry Aemy ha, pinilit-pilit pa kitang sumama samin di rin pala makakarating si Jinny." pagpapaumanhin niya.
"Hmm., okay lang. Nagpapilit rin naman ko eh" part of the plan at success! "sooo.. what should we do now?" pagtatanong ko at nagdadasal na mag-ayang maglibot sa mall o date! cross fingers!
"Kain nalang muna siguro tayo?" aniya. Napasuntok naman ako sa ere nung marinig ko ang sinabi niya at walang anu-anoy..
"Sounds great! tara!" at hinila ko siyang maglakad.
Habang naglalakad kami ni Kookie, nagtitinginan lahat ng tao sa dereksyon namin-- or more like, nakatingin ang mga kababaihan kay Kookie. Sinung naman matinong babae ang di mapapalingon kay Kookie. Pakiramdam ko nga naglalakad siya sa runway samatalang ako naglalakad sa dulo ng bangin kung saan ipapakain ako sa pating dahil sa mga mala-kulam na titig ng mga babaeng nadadaanan namin. Medyo nahiya tuloy akong sabayan sa paglakad si Kookie kaya binagalan ko ang paglakad para mauna siya ng ilang hakbang sakin. Para kasing pa-ikli ng paikli ang buhay ko eh.
Bigla bigla namang huminto sa paglalakad si Kookie kaya agad din akong napahinto. Humarap siya sakin at ipinatong ang kamay sa magkabilang balikat ko. "'You look pretty today, naiinggit lang sila kasi walang silang boyfriend na katulad ko." Ayan na ang ngiti niyang pwedeng maging source ng ilaw n meralco, tumabi siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Napangiti naman ako at sabay kaming naglakad.
Habang naglalakad kami, sinusulyapan ko patagilid ang mukha niya. Ang maputing leeg niya, namumulang labi na kay sarap halikan, ang matangos niyang ilong, mga maata niyang matikas at deretso ang tingin.. sino bang mag-aakalang bakla ang isang to. Nagulantan naman ako nang bigla ulit tumigil sa paglaalakad si Kookie at parang slow-motion na humarap sakin at ngumiti.
BINABASA MO ANG
[#1] Gay Turned Campus Hunk [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]
FanfictionWhat will happen if a Gay became the Campus Hunk. Join Kookie and Aemy in their roller coaster mission of love and revenge. Cover by jongdaisies, the champion of the cover contest!