Chapter 41

7.5K 173 11
                                    

[ AEMY'S POV ]

"Hydrotherapy lang naman ang kailangan niya and mga ointments para sa sun burn."

May naririnig akong nag-uusap. Namulat ako sa isang silid na di pamilyar. Asan ba ako? Dahan dahan akong tumingin sa paligid. Blue and kurtina, maliwanag at may dextrose. Dextrose?!

"Ouch!" aray ko, ang hapdi ng braso ko. Namumula ito.

"Mae.. Aemy" Laking gulat ko nang makita ko si Vincent na papalapit saakin. "Buti naman nagising kana!" nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Anong nangyari at nandito ako ngayon? Parang nagbibilad lang ako kanina-- aahh.. okay.. nag-faint siguro ako sa sobrang init.

"Alam mo ba kung gaano ako kinabahan nang makita kitang nakahilata at tirik na tirik ang araw? Hindi ka ba nagdadala ng payong? Ang init init ng panahon tapos nagbibilad ka sa araw? Kita mo yang mga sunburn mo oh--" tinakpan ko ng unan ang mukha niya dahil sa kakasermon niya sakin.

"Oo na, I get it already. Pwede na ba akong umuwi?" tiningnan ko ang nakadikit na dextrose sa kamay ko pati narin ang mga nangangamatis kong sunburn. Ang hahapdi!

"Ano bang trip mo at nagbilad ka sa araw? buti nalang nakita kita." at nagpatuloy ang sermon niya.

"Matagal na ba akong walang malay?" parang magdadapit hapon na kasi eh.

"Oo, na-heat stroke ka.. tignan mo nga yang mata mo oh.. parang titanic.. lumulubog!" tignan mo to, concern ba to at may ganang man lait? "Papunta na dito si Ralph. Ako pa ang pinagagalitan kung bakit ka nahimatay, problema nun?" pagrereklamo niya habang nakasimangot.

[ VINCENT'S POV ]

Meron bang nasa tamang pag-iisip na mag bilad habang tirik ang araw? Para tuloy siyang hilaw na tocino, pulang pula sunburn niya. Napansin ko ang pagtulo ng luha niya.

"Masakit ba?" nag-aalala kong tanong.

"Masakit ang alin?" tugon naman niya. Kita mo to nagawa pang mag-maang maangan eh sobrang sakit kaya ng magkasun burn. Nginuso ko ang namumula niyang balat.

"Ah.. ahaha.. oo masakit.. " nagsinula siyang umiyak.. hindi,, nagsumula siyang humagulgol. "Nakapa-sakit-- uuuuhhh~" Nataranta akong lumapit sakanya, tsk. Sino ba naman kasi ang di masasaktan sa ganito kalalang sunburn? Kinuha ko yung ointment na binigay ng nurse at sinumulang magpahid sa braso niya habang patuloy siya sa pag-iyak.

"Tumigil ka na nga kayang umiyak, nag-lagay na ako ng ointment. Mawawala na yan mamaya." patuloy siya sa paghikbi at pagpunas ng luha. "MAe, Aemy... tahan na, kinakabahan na ako sayo eh. Tawagin ko lang yung nurse, may iba pa bang masakit sayo?" aligaga kong tanong sakanya.

Hinila niya ang shirt ko at ibinaon ang mukha sa dibdib ko. Teka, pinagpupunasan ba niya shirt ko?

"Tissue-- tissue!" naghanap ako sa paligid pero wala. Aish, kelangan ko pa magpunta sa company eh.. wala pa man din akong dalang extra. Napansin ko ang pagkalma niya at ang maraang paghikbi. "Mae?" tinapik ko ang balikat niya pero di kumilos. Dahan dahan ko siyang pinahiga. Blanko lang titig niya sa kisame. Namumutla siya at di kumikibo.

"Aemy! Nurse! Nurse!" Matindi ang kaba ko habang tinitingnan ng doctor si Aemy. Parang hinigop lahat ng buhay niya palabas ng katawan niya habang nakatitig siya sa kisame.

"Binigyan namin siya ng pampatulog. Kailangan ng pasyente ang pahinga." anang doctor. Di rin nagtagal ay dumating si Ralph at inuwi si Aemy. Nakarinig pa ako ng dakilang sermon sakanya.

[ AEMY'S POV ]

Ang bigat ng pakiramdam ko. Di ko maimulat ang mga mata ko. Patay na ba ako? Naramdaman ko na may nakahawak sa kamay ko kaya hinigpitan ko ang hawak.

[#1] Gay Turned Campus Hunk  [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon