What will happen if a Gay became the Campus Hunk. Join Kookie and Aemy in their roller coaster mission of love and revenge.
Cover by jongdaisies, the champion of the cover contest!
Napatigil ako nung nakita ko ang facelalu! Lalaki ba talaga ito? Ang amo ng mukha! Para siyang nabuhay na anime character. Bagay na bagay ang blonde hair. Saang salon kaya to nagpakulay? Blue eyes?
Ahh, contact lenses lang pala.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Aaahh.. Kookie, ito nga pala si Vincent" tumayo si Aemy. "Vince si Kookie, boyfriend ko." dagdag pa niya. Wait! teka teka.. rewind.. slowmotion.. time first! Ito si Vincent??! Oh my goodness gracious holy macaronibels! di kakayanin ng ovaries ko ito! Alam kong magkikita kami.. pero di ko naman expect na ganito kabilis! at first day of school! magwawala ako dito! Buti nalang at nilapag ko na yung tray na hawak ko.
"Boyfriend?" say ni Vincent at biglang napatingin sakin at parang nawala ang ngiti. "Oho- siya pala yun." Napatingin naman ako kay Aemy na panay ang iwas ng tingin.
"Vincent Strikeland.. nice to meet you" inabot niya ang kamay niya para mag-shake hands.
"John Juanito McKook" ngumiti ako, nakakasira talaga ng class ang pangalan ko. Inabot ang kamay niyang ang lambot! kamay ba ng lalake ito?! Agad na akong bumitaw, nakakakilabot baka masugatan siya sa dami ng kalyo ng kamay ko.
"Captain, may slot na tayo" singit naman nung kasama niya, may kasama pala siya.
"Okay, sige.. Mae mauna na ako" tumingin siya kay Aemy then saakin. "nice to meet you pre" sabay hawak sa balikat ko, ang bigat ng kamay niya "Ingatan mo yan pare ha" mahinang bulong niya. Kinilabutan naman daw ako dun. Nag-freeze lang ako ng bongga hanggang sa makaalis sila pati narin ang mga audience.
"Kookie.. upo kana" say ni Aemy, inayos ko yung tray at umupo sa tabi ni Aemy.
"Ex mo?" muntik na akong mabulunan nung nagsalita si Jhope, andito nga pala ito. Hindi naka-imik si Aemy at nangiti nalang. "Sabi ko na nga ba eh." pagtumpak niya sabay subo ng pagkain.
"Paano mo naman nalaman?" na-curious naman ako.
"Yung ere kasi kanina intense eh, parang gusto kang lamunin nung Vincent na yun." oh talaga? sa amo ng mukhang yun? lakas din ng feels neto ha.
"Enough, let's just eat." medyo nairita yata si Aemy. Natameme naman kaming dalawa ni Jhope at kumain nalang. May nagva-vribrate.. kuniha ko phone ko sa bag.
♫ Peaches and cream, sweeter than sweet, chocolate cheeks and chocolate wings. ♫
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.