Chapter 21

9.9K 181 14
                                    

[ AEMY'S POV ]

"Anong nangyari sayo Aemy? nagpuyat kaba?" si Sugar, nag-aayos ng buhok.

"Anong nangyari sayo Aemy? nagpuyat kaba?" si Sugar, nag-aayos ng buhok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kung tatanungin niyo ako kung nakatulog ako, pwes! Oo. Hindi ako nakatulog! Na-rape ko na ang apat na sulok ng kama ko pero di ako maka-move on sa ginawa ni Kookie. Paulit ulit kong pinag-iisipan kung talagang nangyari yun at ginawa niya yun.

"Hui, okay ka lang?" kumaway kaway si Sugar sa mukha ko.

"Huh? o-okay lang ako, bakit?" tugon ko.

"Tulala ka eh, gimme your homework.. copy ko yung ko essay mo, hehehe" hinablot nya yung homework na nasa kamay ko at dali-daling nagsulat.

"I-rephrase mo ha" pahabol ko, mahirap na at baka masita pa.

Hindi rin ako makapag-concentrate sa lecture ng professor, nababaliw na yata ako. Side effect nga yata ito, ay naman eh. Sa tuwing mababakante utak ko, sisingit at sisingit si Kookie.

"-emy, Aemy!" ay putik ng inidoro! 

"Bakit?" bigla akong na-alimpungatan.

"Si Vincent, tawag ka." nginuso ni Suga yung dereksyon kung nasaan si Vincent. Nakatayo siya sa labas ng room at pinagtitinginan ng mga tao. Anung ginagawa niyang dito? 

"Bakit?!" agad kong bungad pagkarahap ko sakanya. Ngumiti siya.

"May sasabihin ako sayo--" tumingin siya sa paligid at ibinaling ang atensyon sakin. "-let's go somewhere else." say niya, di pa man ako makatanggi, nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod nalang ako sa likuran niya. Narating namin ang study room sa library.

"Uhhmm, anong sasabihin mo? may problema ba?" agad ko ring tanong habang nakatalikod siya.

"Ano kasi--" napakamot siya sa batok niya.

[ KOOKIE'S POV ]

"Jinny, bukas nalang." Nandito nga pala ako sa salon ni Jinny, inayos niya buhok ko. 

"Ano to?" may pinulot siyang envelop sa sahig. Lumapit ako para tignan.

"Aahh! recommendation.." sabi ko pagkakita ng sticker ng envelop. Binuksan ni Jinny at inilabas ang papel.

"You are qualified to join the Mr. & Ms. Converse High 2017" at binasa niya ang nilalaman at binaling ang atensyon sakin. "Sasama ka? nag-apply ka?" tanong niya.

"Hindi noh, saka hindi ako nag-apply. Binigay lang sakin yan nung officer, anong alam jan?!" Bigla nalang kasing may lumapit sakin tapos sinabi recommendation para sa activities. Di ko naman na binasa at nagmamadali ako.

"Go! sumama ka! ako na ang manager mo!" bigla siyang nabuhayan.

"Hindi na.. saka late na ako.. bye" hinablot ko yung papel sa kamay niya at dali-daling umalis. Kelangan ko pang dumaan sa gym para ibigay tong resignation letter ko. Nakahanap na kasi ako ng bagong part time malapit sa school.

[#1] Gay Turned Campus Hunk  [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon