Chapter 29

575 26 4
                                    

[ KOOKIE'S POV ]

"Bye." sabi ko bago tuluyang isinara ng yaya ang pinto. Kanina pa message ng message si Jinny kung nasaan na daw ako. Naka-silent kasi ang phone ko at di ko sinasagot mga tawag niya kaya binomba nalang niya ako sa messge.

Nang makasakay ako ng bus eh tinawagan ko siya. Hindi sumasagot. Ano to', bawian? Nakarating ako ng bahay at dali-daling pumunta sa kwarto ni lola. Nadatnan ko siyang nagtutupi ng mga damit, nag-mano ako.

"La, asan na si Jinny?" tanong ko habang tumitingin sa paligid.

"Kumain lang ng almusal saka umalis, nagmamadali eh. Parang may problema." aniya matapos tupiin yung puting t-shirt ko.

"Kanina pa kasi nagme-message, may sinabi ba siya?" tanong ko ulit.

"Tulungan mo daw siya."

"Tulungan saan?"

"Hindi naman niya sinabi, subukan mong tawagan." ani lola.

"Kanina ko pa tinatawagan, hindi naman sumasagot yung baklang yun." Humalik ako sa noo ni lola at nagpaalam para pumunta sa bahay ni Jinny. Ano nanaman kayang kadramahan ito.

Kumatok ako sa pinto, pero walang sumasagot. Pinihit ko ang hawakan at hindi ito naka-lock. Bigla akong kinabahan. Nagmadali akong pumasok sa loob.

"Jinny?" tawag ko, pero walang sagot. Nakita ko ang pinaghubaran niya ng medyas, wig, kwintas at kung ano-ano pang alipores na nakakalat sa sala. Dumeretso ako sa kwarto niya at nadatnan siyang naka-upo sa sulok na parang namatayan. Nagkalat din ang mga damit sa kwarto niya.

"Hoy madam! anong pagdradrama yan?" bungad ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hoy madam! anong pagdradrama yan?" bungad ko. Naka-all black siya, ano to, lamay? Pumasok ako ako lumapit sakanya. "Ano na? parang kang na-rape." dagdag ko. Unti-unti siyang tumingin saakin. Pero hindi parin siya nagsasalita.

"Ano, nag-break kayo nung papa mo? Nalugi salon mo? May girlfriend na si Jimin mo? WHAT!?" derederetso kong tanong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano, nag-break kayo nung papa mo? Nalugi salon mo? May girlfriend na si Jimin mo? WHAT!?" derederetso kong tanong. Dahan dahan siyang tumayo at isinubsub ang sarili sa kama. Mukha talaga siyang namatayan.

Mukha yatang matinding break-up pinagdaraanan neto ah

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mukha yatang matinding break-up pinagdaraanan neto ah. Umupo ako sa kama malapit sakanya at hinawakan ang balikat niya.

"Okay lang yan, ano ba ang nangyari?" malumanay kong sabi. Inangat niya ang ulo niya at ibinuka ang kanyang bibig.

"Jeona.... wala na... wala na!" halos mangiyak-ngiyak niyang sabi.

"Wala ang alin? Wala na kayo?"

"Wala na akong mai-damit! Anong gagawin ko!!!!!" paghihisterical niya. Biglang nairita yung buong pagkatao ko.

"Sandali, sandali lang. Nagmadali akong pumunta dito at halos atakihen sa puso sa pag-alala dahil baka kung ano nang nangyari sayo.. tapos WALA KA LANG IDADAMIT?!" pasigaw kong sabi. Halos maibato ko siya sa dingding at gusto kong ibaliktad tong kama! Pinagpupulot ko ang mga nagkalat na damit sa sahig at itinapon sakanya.

"Walang damit? Anong tawag mo sa mga ito? Halos magsuka pa yung closet mo sa dami ng damit!" Ang altapresyon ko, tumataas.

"I can't wear those! Na-picturan na mga yan!" pagsagot niya na talaga namang inikairita kong lalo.

"Bahala ka sa buhay mo! Magbreak sana kayo nung jowa mo at magkatuluyan sila ni Jimin! Pwe!" sabi ko sabay layas.

-------------------------------------------------------------

VOTE. COMMENT. SHARE.

 SHARE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[#1] Gay Turned Campus Hunk  [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon