Chapter 14

11.3K 207 20
                                    

Nagdaan ang natitirang araw ng training. Naayos ko naman na ang lakad ko at medyo nakokontrol na ang mega rampa at kembot ko, pati smile medyo komportable narin, sabi naman ni Aemy okay na ang fashion sense ko, pero bakit ganun.. parang ayokong pumasok! Kinakabahan ang peg ko! Paano nalang kung pumalpak lahat ng training ko! Nakakalerki! Pati nga si Jinny nawindang sa transformation at mga kababalaghang gagawin ko.

*plik plak plak plik* aba't pati panahon nakikisama! Paano na ako rarampa nyan, uulan pa yata ng malakas! Naku naman! I enrolled as Bachelor of Science in Nursing and si Aemy naman Bachelor of Science in Business Management.. magkadikit lang building namin so pwede kaming magkasalubong or whatever.

"Today onwards, Lalake ako.. Boyfriend ako ni Aemy-- at asawa ni Ralph Mond!" kinakausap ko sarili ko sa salamin. Inayos ko ang buhok kong pinakulayan ni Aemy ng dark brown. Naka-plain white polo, black pants and leather shoes ako.. all sponsored by Aemy syempre. Mag-jacket narin kaya ako, umuulan naman eh. Cardigan o black suit?

Black suit na lang.

"Lola, alis na ako ha" humalik ako sa noo niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Lola, alis na ako ha" humalik ako sa noo niya.

"Ang gwapo naman ng apo ko, mag-iingat ka ha" hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

"Syempre naman Lola.. bye bye" bumitaw siya at lumabas ako ng bahay. Sa gate, naghihintay na si Aiyoo at nakapayong.

"Naks naman talaga! dressed to kill yata ah! saan ang concert?" pangangantyaw niya. Binuksan ko ang payong ko at nagsimula kaming maglakad.

"Hahaha, first impression is important!" inayos ko yung sling bag ko para di mabasa.

"By the way, kamusta naman kayo nung girlfriend mo?" Aahh.. ang alam niya, naging lalaki ako para kay Aemy dahil nainlaababo ako sakanya..

"Okay naman.. sweet?" pweh! anung sinabi ko? eh halos lamunin ako ni Aemy sa traning ko the past few days!

"Nakaka-inggit naman siya.. grabeng pagbabago mo.. true love will change everything.." eto nanaman ang love oriented dreamy face niya.

"Yeah right, true love.." bitter! this is all for Ralph Mond my labidabs! Di nagtagal, natanaw namin ang gate ng school. Grabe ang tambol ng heartlalu ko! Lalo na nung napansin kong nakaka-attract na ako ng mga hito.. este tao..

"Waah! tignan mo yun oh.. ang gwapo niya"

"Anong course niya?"

"Ang gwapo niya girl!" mga bulong bulong ng mga nakakasalubong namin. Siniko naman ako ni Aiyoo.

"Sikat ka agad oh, dami na agad karibal ni Aemy!" nangingisi siya. Nangingisi narin ako dahil maraming nakakapansin sakin at the same time kinakabahan na nanginginig ang pisngi ko. Teka.. relax relax! Sumilong kami sa food court kung saan marami ring studyanteng nagpapatila ng ulan.

"Brrrr-- ang lamig!" reklamo ni Aiyoo na yakap ang sarili.

"Oh eto.." tinanggal ko ng jacket ko at ipinatong sa balikat niya. Pa-gentleman.. waaah.. wish ko lang sakin gawin ni Ralph Mond my labidabs ito!

"Waa-- samalat! hehehe~" sows! kinilig pa ang lola mo! Kung alam mo lang! Nakarinig naman kami ng agarang bulungan sa paligid. Well, expect kong kami ang pinag-uusapan.

"Girlfriend niya yata yun?"

"Ay, may girlfriend na" halatang nanghihinayang ang mga pipolets! Gora ng gora! so far, good ang impression. Bigla may bumangga sa likod ko kaya bigla nalang ako napalingon.

"Ay, sorry po kuya!" say nung girl. Ngumiti naman ako sa kanya. "Okay lang" syempre.. kinilig yung girl. Nyahaha! hindi ako pinalamon ni Aemy sa mga photographer para lang sa wala noh! Kinikilabutan ako kapag naaalala ko mga mukha nung mga yun!


"Oh-- baka magselos GF mo ha~" singit naman ni Aiyoo.

"Tss.." pa-cool effect. Turo naman sakin ni Jean yan.. Di nagtagal parang sumisikip kinatatayuan namin. Napansin ko ring puro mga kababaihan ang katabi ko. Naku naku! ganyang ganyan din ako tuwing sumasakay sa MRT na may papabels! Nyahahaha! I can feel you all!

♫Gweona Chong Jojun Balsa!♫ tumawag si Aemy.

"Hello Aemy~" say ko.

"San ka?"

"Hhmm.. nandito ako sa food court, ang lakas ng ulan eh, ikaw ba?"

"Papunta palang, traffic kasi eh.. sinu mga kasama mo?"

"Hhmm.. si Aiyoo.. and M2M.." M2M ang code namin sa mga sitwasyong maraming nakapalibot sakin or nasa hot seat or spotlight ako.

"Okay, I'll be there.. galingan mo ha!" say nya.. tss..

"Okay.. see you soon.. love you~" Ack! ang weird talaga ng feeling! shemai! kahit nung nagprapraktis palang kami di keri ng heartlalu ko! Nag-hang up siya at napatingin ako kay Aiyoo.

"Oh--? bat ganyan itsura mo?" Nakanga-nga kasi.

"Wow! ang sweet sweet! ako rin sabihan mo ng I love you!" parang fan girl ang peg. Hahaha!

"Haha-- ang cute mo talaga" ginulo ko buhok siya at ngumiti.

------------------------------------------------------------------------------

[#1] Gay Turned Campus Hunk  [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon