Chapter 10

11K 211 12
                                    

"Ahem ahem" voice test muna bago ako mag door bell. Sa harap ko ang pinto tungo sa pinapangarap kong paraiso! Ang labidabs honeybels kong Ralph Mond! Di ko maipaliwanag nararamdaman ko, kaba? excitement? libog? erase erase! ahem--

*Ding dong* *Ding dong* para akong inumbag ng milyong beses nung bumukas yung pinto. Ang feslaks ko! tigidig my heart din! Anung gagawin ko? lapalapin ko ba agad si Ralph Mond my labidabs? anu vei! kinikilig ang peg ko! Hahahaha!

"Oh, dre! sakto dating mo, paalis na ako" bumungad sakin ang oh so almighty yummilicious Ralph Mond my labidabs! Ikakamatay ko ang kagwapuhan mo! pwede bang kainin ang abs mo? ang kirot ng uterus tumitindi! teka nga.. aalis?

"Saan tayo pupunta?" saan pa, edi sa date natin! Huwag na kasing pakipot Ralph Mond my labidabs! Alam ko namang nabihag ka ng alindog ko!

"Huh? tayo?" napaatras ang makamandag nyang mukha na parang nagtataka.

"Oo, diba pinapapunta mo ako dito?" Push mo pa! bibigay yan!

"Ahh, oo, nag-promise kasi ako kay Aemy ng date eh bigla tumawag barkada ko" napakamot naman siya sa batok niya. "kaw nalang muna dre, importante eh" hayun at biglang kumaripas ng lakad at sumakay sa kotse.

"SAMA AKO!" sasabihin ko sana. Ang nalustay kong beauty, pang-substitute lang? Ralph Mond my labidabs, bakit mo ako ginaganito! Handa kong ibigay ang lahat pati false eyelashes ko para lang sayo! Bakit ba hindi nalang ako ang i-date mo!

"Tara na!" ay tipaklong! lumingon ako sa likod at nakita si Aemy na sinasara ang pinto.

"Oh, huwag mong sabihing tumawag rin barkada mo?" napataray tuloy ang feslaks ko.

"Hahaha! Assuming ka naman kasing i-date ka ni kuya!" nangingiti ito. At talagang! "Tara na nga!" at kinaladkad nanaman niya ako.

"San ba tayo pupunta? don't tell me... sa strip club?!" bigla nanaman nag flashback yung karumaldumal na pangyayaring yun!

"Anu kaba! hindi nuh! pupunta tayo sa beach.. date along the sea shore.. oh diba romantic?" may nalalaman pang romantic tong Aemy na ito.

"Pinapa-una ko na ha.. wala--" di pa ako natatapos sumingit na siya.

"My treat!" sabay ngiti.

"Okay good, buti naman at na-sense mo" say ko. Sumakay na kami sa likod ng kotse at pinaharurut ni manong driver ito.

"By the way, I like your attire, improving!" say niya habang pinagmamasdan ang mga suot ko. Ang weird pero natuwa naman ako.

"Thank you" yun lang nasabi ko tapos sinundan ng katahimikan. Binaling ko nalang ang atensyon ko sa tanawin mula sa bintana ko. Parang kanina lang, nasa syodad pa kami, ngayon konting bahay at puno nalang. Huminto kami sandali sa isang buko stand para magpalamig. Umupo kami saglit sa ilalim ng puno di kalayuan sa buko stand.

"Ang presko ng hangin" say ko, ibang klase kasi talaga kapag nasa labas ka ng syodad. Ibang iba ang hangin at paligid. Ngumiti lang si Aemy at binaling ang tingin sa malayo. Bakit parang ang lungkot ng awra nitong babaeng to? Emo lang? malapit ko na maubos yung buko juice pero siya hindi pa nababawasan.

"Aemy" tawag ko pero di lumingon. "Aemy!" medyo nilakasan ko pero nakatulala parin. "AEMY KIM!" napahikbi siya at lumingon sakin. "Anung meron?"

"Huh?" napatingin siya sa relo niya at tumayo "Tara na.." bigla siyang tumayo at nilapag yung buko juice sa inupuan niya.

"Ayaw mo na?" sayang naman kasi yung juice.

"huh?" disoriented yata tong babaeng to ah..

"Yung buko juice, kung ayaw mo na.. ibigay nalang natin dun sa bata" say ko na parang nakikipag usap sa matanda.

"Ha-eh.. oh sige" kinuha ko yung buko juice tapos binigay sa bata, pagbalik ko nakasakay na sa kotse si Aemy. Di man lang ako tinawag? Ano to? Sumakay narin ako at nagpatuloy kami sa pagbiyahe. Walang imik si Aemy at nakatingin sa malayo. Nakakabingi kaya ang katahimikan. Di ko alam kung gaano katagal ang pag-tunganga naming dalawa kaya nagpasya na akong magtanong.

"Aemy.." lumingon siya "may problema ka ba?" natigilan siya bigla at nagkatitigan kami ng matagal. Pinagmamasdan ko ang mukha niya, inaabangan kung anu ang magiging reaksyon niya.

"Andito na po tayo ma'am" biglang singit ni manong driver.

"Panira ka naman ng moment manong!" say ko. Yun tipong pang-drama yung peg tapos biglang may icebreaker? naman oh!

"Pft- let's go!" hinawakan ako sa kamay ni Aemy at ngumiti. Ako namang happy-go-lucky, todo ngiti narin at baba ng kotse. Para kaming bata na nag-uunahan sa pagtakbo. Nagtanggal kami ng sapatos at nagtampisaw sa dagat.

"Dun na muna tayo sa lilim, ang init" aya ni Aemy na namumula.. sinu ba naman kasing hindi mamumula eh tirik na tirik ang araw! hello?! alas dos palang ng hapon! Umupo kami sa buhangin. Napansin kong di karamihan ang mga taong naliligo, eh summer ngayon.

"Konti ng tao dito ha" napalingon ako kay Aemy na nakatulala nanaman. "Hoy Aemy! asan naba ang kaluluwa mo? kanina kapa wala sa sarili!" tinapik ko siya sa balikat.

"Aahh.. hehehe.. sorry ha, di lang maganda pakiramam ko.." ngumiti siya pero ngiting walang sigla.

"Eh bakit pa tayo nagpunta dito?" pumilantik naman ang kilay ko. Hindi pala maganda pakiramdam niya eh.

"Wala to..   ah basta!" umiwas siya ng tingin.

"Anung meron?" may tinatago tong babaeng to, di mapakali ang tsismosa kong cells eh. "Sabihin mo, ano bang problema?" bigla naging seryoso mukha niya.

"Aaahh.." napayuko siya at niyakap ang binti niya. "hindi ko alam kung anung gagawin ko" at isinubsub niya ang mukha niya sa kanyang tuhod.

"Anu ba kasing meron Angie? tell me.. I'll listen.." hindi siya nakasagot agad.. "Aemy?"

"Hhhmm.. Tumawag kasi siya.." ewan ko, pero naramdaman ko ang sakit sa boses niya. Sinu naman kayang tumawag na yan at nagkaganito ito?

-------------------------------------------------------------------------

[#1] Gay Turned Campus Hunk  [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon