[ AEMY'S POV ]
Sa tanaw ko ay ang malapad na likod ni Kookie na naglalakadd papalayo sakin. Ang likod ng taong mukhang hindi na maglalakad pabalik saakin. Yung pakiramdam na may pupuntahan siyang malayo at mawawala ng parang bula. Gusto ko siyang hilain at magkuwento ng kung anong maisipan ko, gusto ko na sana ako nalang ang lagi niyangg kausap sa telepono.
"Annalise..." pamilyar at narinig ko na ito, saan nga ba? naikwento ba siya sakin ni Kookie? Sumulyap ako sa ngayon ay nakatagilid na si Kookie, nangingiti siya, ano kaya ang pinag-uusapan nila?
Eh ano nga naman sakin kung ano sa lupalop ng library pag-usapan nila, It's his private conversation. Private conversation na usto kong pakinggan. Ano ba naman kasi Kookie, ako nalang kausapin mo dito. Sinisipa-sipa at tinatapakan niya ang lupa na parang may tinitiris na kung ano, ibinulsa rin niya ang kaliwang kamay pagkatapos magkamot ng ulo.
Natapos siyang makipag-usap sa telepono at dali-daling bumalik sa kinaroroonan ko.
"Aemy, sorry ha. May aasikasuhin lang ako." pagbungad niya.
"Okay lang, importante ba?" pag-uusisa ko. Tumango lang siya at pilit na ngumiti.
"Hmm.. sige maun na ako.. bye---" napatigil siya ng bahagya nung akmang yayakap siya sakin.
"Bakit?" pagtataka ko. Naalimpungatan siya at umiling.
"Wala-wala.. sige mauna na ako.." nilapaat niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Aaahhh--" pag-angal ko. Agad naman niya itong itinigil at umatras sa kinaroroonan ko.
"Sige, bye." di pa man ako nakasagot ay tumalikod na ito at umalis habang nakatingin sa telepono at nangingiti.
Sinundan ko lang ng tingin ang pag-alis ni Kookie hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Natawa nalang ako sa sarili ko, ano bang ikinababahala ko? All this boyfriend thing will end up anyways. Maghihiwalay rin naman kami ng landas, kinailangan ko lang ng tulong niya.
"Aish!! Boblats ka talaga Aemy!" sinabunutan ko ang sarili kong kontrabida sa sarili. Ang hirap ng ganito, napaka-gulo ng nararamdaman ko, may gusto nga ba ako sa kaniya? o naghahanap lang ako ng panakip butas?
"Di ako makahinga—" tinanggal ko botones ng high waist pants ko.." Haaa~ better." Ano na ang gagawin ko? Nakakainis naman ih..!
"Hey!" ay potato chips! Napahawak ako sa dibdib ko at agarang napatingin sa taong ikinagulat ko.
"Vincent! Don't ever do that! Papatayin mo ko sa gulat! Aarggghh—" pagrsesermon ko. Ngumisi siya at umupo sa tabi ko. Sumandal siya sa bench at tumingin sakin. "What?" agad kong bungad.
"Hhmm.. wala lang.." sagot niya, napatingin nalang ako sa strawberry drink ko.. "Do you remember?" wika ni Vincent na umayos ng upo.
"What?" tipid kong sagot sabay tingin sa kanya.
"This place..." sabi niya na pinagmasdan bahagya ang paligid at baling ng atensyon sakin. Nagtaka naman aako, anong meron dito? Di ko maisip. Umiling ako ng dahan dahan habang nakatingin sakanya. "Seriously? Di mo maalala?" pagtatanong niyang di makapaniwalang wala akong matandaan.
"Duh! Eh di ko nga maalala, ano ba yun?" nakita ko ang pagdududa sa mukha niya na nagsasabing pakunwari ka pang di mo alam. Humarap ako sakanya. "Ok, tell me then."
"This is the place where you said yes to me, stupid!" pinitik niya noo ko na agad ko namang hinawakan sa pagkabigla. Parang nagflashback bigla sa isip ko. Napatingin ako ng mabilisan sa paligid. Dito nga, diko ko nga siya sinagot. Namula ako at sinuntok siya sa balikat.
BINABASA MO ANG
[#1] Gay Turned Campus Hunk [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]
FanfictionWhat will happen if a Gay became the Campus Hunk. Join Kookie and Aemy in their roller coaster mission of love and revenge. Cover by jongdaisies, the champion of the cover contest!