Chapter 19

11.6K 212 20
                                    

"Kookie.. HOY KOOKIE!" Ay lalaking hipon. "Ayan at sa wakas kumibo ka rin!" si Aemy. Oo nga pala, sabay kaming nag-lunch.

"Hmm-- Ah- bakit?" 

"Ano bang meron at ngising ngisi ka jan?" say niya. Muntik ko lang naman halayin kuya mo.. chos.

"Wala, maganda lang tulog ko" hindi ko parin maitago ang pangingisi ko kasi feel ko sa pisngi kong nangingiti parin ako.

"Itigil mo na nga yan.. nagmumukha kang baboy." pinisil niya kaliwang pisngi ko.

"So, kamusta naman usad ng plano mo?" It's been a week na kasi at hindi ko alam kung effective ba pinag-gagawa ko.

"Okay naman siguro.."

"Anong okay naman siguro?" paglilinaw ko.

"Since that day kasi, wala akong balita sakanya, all I know is he's busy with the club activities." humigop siya sa straw ng chuckie na parang hinugutan ng lakas.

"Wala na ba talaga kayon communication? text? kahit pasagasang GM ( group message ) wala?" bigla siyang sumimangot at nag pout at umiling.

"Eh baka naman kasi busy dun sa mistress niya?" pabulong kong sabi at bigla kong nahagip at nakakamatay nyang death glare. "Biro lang.. joke.. joke!" bitter pa sa ampalaya shake eh.

"Sad na nga ako susuhulan mo pa, anong klase kang boyfriend?! Hmmp!" yown! tampurorot effect, oo nga rin naman, stand-in boyfriend pala peg ko.

"Oh sige, pambawi nalang.. magkaraoke tayo after school.." medyo lumiwanag mukha niya "game ka?"

"Sige! game! magwala tayo!" Natuwa naman ako at sumigla ang mood niya.

"Sunduin nalang kita sa room niyo, 4:30 dismissal niyo db?"

"Yep, hehehe~ you're being more like a boyfriend now huh!?" medyo nakakaloko ang ngiti niya.

"Well, good mood ako eh, and besides.. I am your boyfriend." Nginitian ko siya sabay kindat. Dear lord! Anong gayuma nanaman tinurok mo sakin?

"Ayiiie! Kinikilig naman ako, hahaha! Keep it up!" wala nanag bakas ng kalungkutan mukha niya..

"Ayan.. you look more beautiful when wearing a smile, Aemy" ngumiti ulit ako sakanya dahil masaya ako at napatawa ko siya.

"Ahem- maka-pick up line lang Kookie ha! Don't worry, I'll smile for your sake" then sinuklian niya ako ng ngiti. Kung alam mo lang Angela.. Walang wala itong pick-up lines ko sa Ralph Mond my labidabs! Oh- wait speaking..

"Hmm.. si Ralph Mond at Trixie.. in relationship?" bigla namang nawala ngiti ni Aemy at umayos ng upo.

"Actually.. they're not.. it's a bit complicated lalo na kay kuya" then nag sip ulit siya ng chuckie.

"One sided? Or MU?"

"More on one sided.. wait—don't tell kuya ha! He'll kill me!" kawawa naman ang Ralph Mond my labidabs. Sa dami ba naman kasi ng babae sa mundong katulad ko.. si Trixie pa ang nagustuhan mo.

"Oo naman.. silyado ng packaging tape ang lips ko.. don't worry" Napatingin siya sa relo niya.

"Later nalang.. 4:30 ha.. wag mong kalimutan!" Naghiwalay kami ng landas paglabas ng cafeteria.

--------------------[ 4:00 PM ]--------------------

Papunta na ako sa building nina Aemy para sunduin siya. Napukaw ang atensyon ko ng flower arrangement club na madadaanan ko. Ang daming bulaklak na inilalabas sa club room nila. Dahil isang dakilang usi ako..

"Excuse me miss, anong meron?" tanong ko sa nagbibilang ng bulaklak.

"Waa~ Si Kookie! Guys si Kookie oh!" nagulat naman ako, biglang dinumog ng club members ang kinatatayuan ko.

[#1] Gay Turned Campus Hunk  [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon