Chapter 35

7.4K 195 22
                                    

[ KOOKIE'S POV ]

"Alin dito ang gusto mo?" tanong ko sa katabi kong abala sa pagkilatis ng bawat kubyertas, butas, tahi at siwang ng mga damit na inilahad ko sa harap ng salamin. Napakunot siya ng noo.

"Ewan ko, bagay kasi sayong dalawa eh." Si Aemy .Nagpamaywang siya at pinagsalitan ng tingin ang dalawang damit nahawak ko na parang ito na ang pinakamahirap na tanong na sasagutin niya. Pumihit ako sa kaliwa at derederetso sa counter para magbayad.

"Alin diyan ang kukunin mo?" tanong niya habang naglalakas sa tabi ko. Itinaas ko namang sabay ang hawak kong damit at nilagay sa counter. "Both?" ngumiti ako sakanya at hinarap ang cashier.

"3,475.00 po sir." sabi nung cashier matapos ipadaan ito sa censor machine. Nakita ko si Aemy na may kinakalkal sa bag niya. Card malamang. Hinawakan ko ang kamay niya at umiling.

"Ako na 'to" sabay ay humarap ako sa chasier. "Debit Card" galante kong inabot at walang gasgas at kumikinang kong debit card.

Lumabas kami sa shop at napansin si Aemy na nakatingin sakin at parang may gustong itanong.

"Ano yun? May itatanong ka?" huminto ako sa paglalakad at ganun din siya.

"Why debit?" tanong niya na halatang halata sa mukha ang katagang 'why?'.

"Hhmmm,. masmaganda kasi ang debit, no hidden charges at walang interes. What you put is what you spend." pagdadahilan ko.

"Kelan ka kumuha?" agad niyang tanong. Napangiti ako.

"This week lang, regalo ko sa sarili ko sa pagiging mabait na anak at apo." tugon ko. Bigla namang siyang napatawa kaya kumunot noo ko. "Anong nakakatawa?" Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Wala!" sabay humarurot ng takbo.

"Anu yun!!" hinabol ko sa sa  gitna ng mga tao. Para kaming mga batang nagpapatintero sa pagitan ng mga naglalakad na tao. Naabutan ko siya at ikinulong sa walang humpay na kiliti.

"Hahaha! Tam--a hahaha! na- hahaha! hui-- ahaha! Sige na haha- sasab- ihahaha- hin ko na! hahaha!" agad kong tinigil ang pngingiliti at hinayaan siyang maghabol ng hininga. Bumili ako ng bubble tea at binigay sakanya na agad naman niyang ininom.

"Grabe ka! balak mo ba akong patayin sa tawa? ang lakas pa man din ng kiliti ko sa tagiliran!" pagrereklamo niya. Ako naman ngayon ang ngumisi ng nakakaloko at binigyan siya ng now-I-know look.

"Hoy.. itigil mo nga yan.. kahit gwapo yan nakakakilabot parin lalo na at balak mo akong patayin sa kiliti!" hinampas niya ako sa braso.

"Oh- so inlove ka na sakin niyan?" pagbibiro ko. Agad nawala ang ngiti sa mga labi niya. Ooops. Wrong question. "Joke lang!" pagbawi ko ngunit di parin nawawala ang seryoso niyang mukha.

"Alam mo, may kasalanan ako sayo." pagtatapat niya. Ano naman ang kasalanan nito? Umupo kami sa bench.

"Ano naman yun?" tanong ko.

"Sigurado iiwasan mo ako kapag nalaman mo." Hala, ano naman kaya yun? wala akong maalalang kasalanan nito ah? Kelan?

"Iiwasan? bakit naman?"

"Secret nalang muna, di pa ako ready eh." sabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.

"Kung ano man yan, di mo na kasalanan kasi pinapatawad na kita." di ko alam kung bakit nasabi ko mga katagang yan.

"Oh? pinapatawad mo na ako eh di mo pa nga alam kasalanan ko sayo" di makapaniwalang sabi niya kaya nagiwan ako ng halik sa noo niya.

[ AEMY'S POV ]

[#1] Gay Turned Campus Hunk  [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon