Chapter Three

3.9K 84 1
                                        

Chapter Three

 

            “'Morning!” bati ni Chlymate nang pumasok siya sa kusina ng Sina Juan. Sinalubong siya ng naghalo-halo nang mga amoy ng mga ulam na naluto na at mga aligagang waiter.

            Lumapit siya kay Roby na naghahalo ng gravy sa isang malaking kaserola. He sniffed appreciatively. “'Bango.”

            “Ay, Sir, good morning.” Bati nito sa kanya.

            “Si Gene?”

            “Nasa may counter, Sir.”

            “Okay. Nakahanda na ba ang lahat para sa breakfast? Nasa buffet table na?”

            “Yes, Sir. Si Sir Gene na po ang umasikaso kanina.”

            Tumaas ang isa niyang kilay. “Ayos, ah. Ang sipag yata ni Gene ngayon?”

            Tumawa si Daniel na nasa likuran niya at isa-isang inilalagay ang mga croissant sa isang tray. “Sinipag, Sir, kasi busog.”

            Napapalatak siya. “Dito siya nag-breakfast?” Naglakad siya papunta sa tabi ni Boyet na nakatoka sa mga dessert kapag wala siya. “Grabe talaga 'yong taong 'yon. Dapat talaga sa kanya hindi na sinuswelduhan.”

            “Ah, Sir, dito nga siya nag-breakfast pero hindi naman galing sa menu natin ang mga kinain niya.” Sabi ni Daniel.

            Tiningnan niya si Daniel at hinikayat itong ipaliwanag nang ayos ang mga sinabi nito dahil naguguluhan siya.

            “May babae po kasi na biglang dumating dito kanina. May dalang mga pagkain. Para kay Sir Gene raw. Eh, alam niyo naman si Sir Gene, walang tinatanggihang pagkain. Kaya 'ayun.”

            His brow furrowed in confusion. “Kilala ko ba 'tong babaeng tinutukoy niyo?”

            “Hindi, eh. Ngayon ko lang siya nakita.”

            Bumukas ang pinto na nagkokonekta sa kusina at sa main restaurant. Iniluwa niyon si Gene na humihikab at nakasuot ng kulay puting apron na may naka-imprint na malaking apple sa may laylayan.

            “Hoy, takaw,” untag niya rito, “Ano itong nababalitaan ko na may chicks na pumunta rito para hatiran ka ng almusal?”

            He just stared at him. “Why do you care?”

            “Hay, ewan.” He took a look at his watch then he clapped his hands. “Okay, everyone! In five minutes we’ll open up!”

***

            Mag-a-alas dos ng hapon dumating si Greg sa Sina Juan. Kasalukuyang kumakain noon si Chlymate at Gene dahil iyon lang ang oras na nabakante sila mula nang magbukas sila kaninang umaga. Ang dami kasing dumating na customer. Hindi alam ni Chlymate kung marami ba talaga ang dumating o talagang kulang lang sila sa tao ngayon sa restaurant? Pero kahit na ganoon ang nangyari ay naging maayos naman ang lahat. Kahit na may batang babae kanina na limang taong gulang palang na dikit nang dikit sa kanya at sinabing gusto siya nitong maging asawa.

            He cringed at the thought. Ganoon na ba talaga mag-isip ang mga kabataan ngayon. And when he say “bata,” as in bata talaga na five years old! Seriously?!

            “Yo,” bati ni Greg.

            “Yo,” bati rin ni Gene but it turned to be in grumbled sound because his mouth is full.

A Piece of EverythingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon