Chapter Eleven

2.2K 59 5
                                        

                PINAGMASDAN ni Chlymate ang barung-barong sa kanyang harapan. Maaring maliit iyon ngunit kakaibang homey feeling ang nadarama niya habang pinagmamasdan ang tahanan. Marahil ay dahil iyon sa mga malalago at magagandang halaman na nakapalibot sa bakuran niyon. May puno ng manga, at mabubulaklak na halaman.

                Umihip ang preskong hangin. Napapikit siya upang namnamin iyon. Iyon ang gusto niya sa probinsya. Preskong hangin, mababait na tao at malayo sa sibilisasyon. Isang tahimik na buhay. Mayroon na sana siya noon, kung hindi niya lang sinamahan si Greg sa kung ano sila ngayon.

                Nagmulat siya ng mga mata nang maramdamang may mga matang mataman siyang tinitingnan. Paglingon niya ay nakita niya ang isang matandang babae na sa palagay niya ay nasa sitenta anyos na.

                Ngumiti siya saka binati ito. “Magandang araw po.”

                Mabait na nginitian din siya nito. “Magandang araw din naman sa iyo, hijo. Ano ang maipaglilingkod—” Bigla itong huminto sa pagsasalita nang may maalala. “Ay, ikaw ba iyong sinasabi ni Brylle na pupunta rito na kaibigan ni Aries ko noong kolehiyo? Halika rito, sunod. Tuloy ka.”

                Napakunot ang noo niya. Kaibigan? Kolehiyo? Napanganga siya nang may ma-realize. Damn it!Si Brylle talaga! Pinaalam nito na may darating at “kaibigan” ng kuya nito na curious sa mga nangyari! Tarantado talaga.

                “May problema ba, hijo?”

                “Ha? Ay, wala ho.” Sumunod na siya rito. Kinailangan pa niyang yumuko dahil kung hindi ay mauuntog siya sa maliit na pinto. Inilibot niya ang paningin sa loob ng bahay.

                Sala ang sumalubong sa kanya. Isang mahabang upuan na yari sa kawayan ang nasa gilid, sa tapat niyon ay isang maliit na mesa na yari rin sa kawayan. Walang TV, at kung ano pa mang mga usong gamit. Kaya nahinuha niyang walang kuryente sa bahay na iyon.

                “Uh, 'Nay? Kayo lang ho ang mag-isang nakatira rito?” Tanong niya habang umuupo sa kawayan na iminuwestra nito.

                “Hindi. Kasama ko ang mga apo ko kaso ay nasa eskwela sila. Ang mga magulang nila ay sa bayan nagtatrabaho kaya ako ang nag-aalaga.”

                “Gano’n po ba?”

                “Gusto mo ba, hijo, ng maiinom? Ay, ano nga ba ang pangalan mo?”

                “C-Chlymate ho.”

                “O siya, hijo, kape ba?”

                Nakangiting tumango siya.

                Si Lourdes Macatangay ay isang matandang babae na may maamong mukha at mabait na mga mata. Maaring nangungulubot na ang mga balat nito ay halata pa rin na malakas ito.

                “Ito na.” Inilapag nito sa mesa ang isang lumang tasa na pinagtimplahan ng kape. Humila ito ng isang upuang plastic at naupo sa kaibayo niyang pwesto.

                Inabot niya ang tasa saka humigop. Natigilan siya.

                “Masarap ba? Naaayon ba sa panlasa mo?”

                “Opo. Masarap.”

                “Aba’y dapat lang. Galing iyan sa Batangas. Dala ng aking anak na nagtatrabaho roon. Ikaw ay ano, hijo? Ano ang iyong trabaho sa Maynila?”

A Piece of EverythingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon