Chapter Twenty

2K 42 2
                                        

IMINULAT NI Rebecca ang kanyang mga mata ngunit nanatiling nakahiga sa kanyang kama. She made no move. She made no sound. She was wondering what time is it now. Anong oras ba siya nakatulog kagabi? Ah, mali. Kanina. Anong oras ba siya nakatulog kanina? Hindi niya alam. There entered her second question: Ilang oras lang kaya tulog niya?

            Tumagilid siya saka mariing pumikit.

            Magmula nang magbalik si Rash at nang bisitahin at kausapin siya nito ay bumalik na naman ang pakiramdam niya na hindi siya ligtas.

            Iyon na nga ang pakiramdam niya ay araw-araw pa siya nitong pinepeste mula nang umalis ito sa kanyang bahay dalawang araw na ang nakararaan. Palagi siya nitong tinatawagan tatlong beses. Araw-araw. Walang palya. Naku, kung pwede niya lang talagang patayin ang kanyang cell phone ay ginawa na niya huwag lang niya marinig pa ang boses nito!

            Iisa lang naman ang palagi nitong sinasabi. Ang pumunta siya sa Linggo sa mansyon nito at huwag na huwag siyang gagawa o iisip ng kahit na ano pang paraan para lang hindi makapunta.

            Bwisit. As if namang gagawin niya iyon.

            She groaned as she lazily pulled herself up from her bed. Her brows furrowed. Why does she felt like something was amiss?

            Umiling-iling siya saka bahagya pang inalog—at kinatok—ang kanyang ulo in attempt to clear her fogged mind. Pakiramdam niya talaga ay may nakakalimutan siya, eh. Ano naman kaya iyon?

            Gamit ang kamay niya ay sinuklay niya ang kanyang medyo magulo pang buhok. Napagpasyahan na niyang bumangon na lang dahil alam niyang hindi na siya makakatulog. Isa pa, mukhang tirik na tirik na ang araw sa labas. Patunay niyon ay ang liwanag na lumusot mula sa siwang ng bintana.

            Tumayo na siya at dumiretso sa banyo. Naghilamos siya at nagsepilyo. Nang nagsusuklay na siya ng buhok ay narinig niya na tumutunog ang kanyang cell phone. Marahas siyang bumuntong hininga. Rash. Kung noong una ay kinakabahan siya ngayon ay hindi na. Naiirita na siya. Sobra.

            Alam na alam na niyang ito ang natawag. Nakagawian na kasi nitong tumawag sa kanya tuwing alas-onse ng umaga—Alas onse?! Ibig sabihin ay alas onse na ng umaga?! She overslept! Kahit naman late na siyang matulog ay palagi siyang kusa na nagigising tuwing alas singko!

            Lumabas siya ng banyo at agad na tinungo ang cell phone niya na nakapatong sa bedside table. Sinagot niya ang tawag ngunit hindi siya nag-abalang magsalita.

            “I can be your hero, baby. I can kiss away the pain. I will stand by you forever. You can—”

            Nakakunot ang noo na inilayo niya ang cell phone sa pagkakadikit sa kanyang tainga saka tiningnan kung sino ang caller na hinaharana siya. Hindi si Rash ang natawag sa kanya! Walang nakalagay na numero. Isang private number. Muli niyang ibinalik ang cell phone sa pagkakadikit sa kanyang tainga. She was suddenly anxious.

            Nakahinga siya ng maluwag nang wala na siyang marinig na kung ano o sino na nakanta. Thank God. Ang pangit kasi ng boses! She cleared her throat. “Hello?”

            Walang sumagot.

            Sigurado naman siyang naroon pa rin ang caller dahil naririnig niya mula sa kabilang linya ang paghinga nito. Tanda na isang tao ang kausap niya.

            “Hello?” ulit niya.

            Maaaring si Rash din ang isang ito ngunit… Bakit pa mag-aabalang gumamit ng private number si Rash?

A Piece of EverythingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon