Nagtawanan ang buong klase nang pakengkoy na basahin ni Jonas—isa sa mga estudyante ni Rebecca sa English 101—ang isang pangungusap na nakatala sa kwentong binasaba nito. Siya naman ay napakamot na lang sa kanyang ulo nang umingay na ang buong klase at nag-asaran at naghagalpakan ulit ng tawa.
She rolled her eyes in amused exasperation.
In her four years in teaching ay ngayon lang siya lubos na nag-enjoy sa kanyang trabaho. At iyon ay dahil sa kanyang mga estudyante sa English 101. Karamihan sa mga ito ay Journalism at Creative Writing ang course. Makukulit ang mga ito, pasaway pa nga kung minsan, pero magagaling ang mga ito. It was really good to know that there are still students who are very dedicated in studying. Iba-iba ang mga talento ng mga estudyante niya; may magagaling sa pagsasalita, ang iba naman ay pagde-deliver ng mga tula, declamations at kwento. Pero lahat sila ay magagaling sa pagsusulat.
She clapped her hands three times to get her class’ attention. Nagsiayos naman ang mga ito. “Mga baliw talaga kayo.” Nailing niyang sabi. ”Jonas, please, ayusin mo na ang pagbabasa.”
Ngumisi si Jonas saka ipinagpatuloy ang pagbabasa. Nang matapos ito ay nakipag-high five muna ito sa katabi nito bago tuluyang maupo.
“Okay, now, I have a question—”
“Ma’am ako rin!” Sigaw ni Mercury—Merc for short.
“Okay. Fire away.”
“May boyfriend ka na?”
She rolled her eyes once again. Naghiyawan na naman ang buong klase. Hindi lingid sa kanya na may gusto sa kanya ang estudyante niyang ito. Merc was the oldest student in this class. Twenty-five na ito.
“Wala.” Tumingin siya kanyang relong pambisig. “Dismiss. We’ll continue this on our next meeting. And Merc?”
“Yes, Ma’am?” anito na nagniningning ang mga mata.
“Please don’t ask some stupid question again. Are we clear? I’m your professor.” Sabi niya sa mahinahong tinig.
Merc pouted. “Okay po.”
Nang makalabas na ang huling esdyante sa classroom ay siya naman na ang lumabas. Dumiretso siya sa faculty room at saka naupo sa kanyang mesa. She heaved a sigh. Pakiramdam niya ay pagod siya. Mabuti na lang at iyon na ang huli niyang klase para sa araw na iyon.
Kaya naman inayos na niya ang kanyang mga gamit at saka nag-out. Uuwi na siya. Gusto na niyang magpahinga.
“Hey, Becca, girl!”
Napatigil siya sa paglalakad sa hallway patungo sa parking lot at saka nilingon ang tumawag sa kanya. Iisang tao lang naman ang tumatawag sa kanya ng “Becca.” Lumingon siya para lang bahagyang mapanganga nang makita ang babaeng tumawag sa kanya.
“R-raffy?”
“Yes. This is me. And my new fucking looks.” She said those words as if she hated her life.
Rafaella “Raffy” de Guzman is one of her co-professors. Computer studies students’ naman ang tinuturuan nito. Nagkakilala sila nang sabay silang mag-apply sa university kung saan sila ngayon ay nagtuturo. May tsismis namang kumakalat sa buong campus na isa itong hacker—na hindi niya pinaniniwalaan dahil wala namang nagpapatunay—ng mga website ng malalaking kompanya, at mga politiko.
BINABASA MO ANG
A Piece of Everything
Hành độngCDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit-bahay niyang si Rebecca. Bakit naman hindi? Simulan na lang natin sa mga mata nito na nakakatakot t...