SA SITWASYON nila ngayon, marami na ang mga bagay na nagpapa-init sa ulo ni Chlymate. Mainit na nga ang ulo niya, nawawalan na rin siya ng pasensya dahil unti-unti nang kinakain ang oras nila dahil sa pag-a-away ni Blade at Brylle. Hindi kasi matanggap ng huli na hindi na ito ang magli-lead ng misyon nila.
Kasalukuyan silang nakakubli sa masukal na bahagi ng daan malapit sa mansyon. Nasa gilid sila ng truck at doon ay nag-u-usap-usap ng plano.
Naisip niya lang, bakit ngayon lang sila nagpa-plano? Bakit hindi kanina o kaya nama’y kahapon? Nag-igtingan ang mga bagang niya. Si Ford ang sinisisi niya. Alam na nito ang lahat pero mas pinili nitong bitinin sila ng mga impormasyon at plano.
Nakakabwisit.
“Will you just stop ranting, Brylle. You are making me sick with all your shits.” Blade spat, her voice was so cold. “For all we know, wala ka rin sa kondisyon para pangunahan ang misyong ito. Baka dahil sa 'yo, hindi lang si Rebecca ang mapahamak… Mamatay. Baka pati si Chlymate, madamay pa.”
Brylle growled. “Ako ang team leader ni Chlymate kaya bakit siya susunod sa 'yo?! We own this mission. This has been our mission for the last five years!” he all but shouted.
“Huh.” Blade scoffed. Sa gitna ng dilim ay nakita pa niya ang pagtaas ng kilay nito. Kumilos si Blade upang buksan ang UV light saka itinapat sa mukha ni Brylle ang nakabubulag na liwanag niyon. Pinatay din naman kaagad nito ang ilaw. “Don’t start me with your five years shits. Kung isa kang efficient na leader, wala sana tayo sa sitwasyon na 'to. Sana, matagal niyo nang nahuli ang babaeng iyon.
“Apparently, Ford passed me this mission along with your team mates. Hindi ka nga kailangan sa misyong ito, Brylle, e. You now have no hold in this so I, Blade, call the shots. This may break your ego—and I know this will and I am more than happy to laugh my heart out with that—but you can do nothing but follow my commands. My shot, not yours.” Mahaba nitong lintanya.
Nganga yata silang lahat. Alam niyang matalas ang tabas ng dila ni Blade pero ngayon lang niya ito narinig na nagsalita ng ganoon kahaba! Ang kilala niyang madaldal sa mga babae ay si AA, Mandy at Candy. Kadalasan sila ang nagsasalita o nagre-report. But with the three of them not in the scene, Blade took charge of speaking, and when she spoke… She spoke deadly.
Ang sakit nga sa ego.
“Kung magrereklamo ka pa may choice ka naman, Brylle.” Pagpapatuloy nito. “You can just follow me, or I’ll shoot you. Either way, you’ll suffer.”
Namayani ang katahimikan sa sa kanilang lahat na naroon. Alam niyang hindi nagbibiro si Blade nang sabihin nitong babarilin nito sa Brylle. The lady was simply dangerous when provoked! Mas gugustuhin niyang matakot kay Blade kaysa kay Brylle.
Narinig niya ang malakas na pagbuga ng hangin ni Brylle tanda yata ng pagsuko. “Fine. Pero ngayon lang ito.”
“Cool.” Raffy chimed. “So tapos na ang away? Can I speak na? Time is running. Tigidig.”
“Speak.”
“You’re uptight, Blade. You need to get laid.” Binalingan siya ni Raffy. “So here’s what you’re going to do, Mister Climate Change. Inestima ko ang oras na makakaya kong ma-freeze ang system nila at iyon ay sampung minuto lang. You have only ten minutes to save your girl inside the mansion. What you’re going to do is simple. Enter the mansion discreetly, get the subject, and get out. Simple. Alam mo na ang lokasyon ng subject. Second floor. Left wing. Last room. Here.”
BINABASA MO ANG
A Piece of Everything
AksiCDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit-bahay niyang si Rebecca. Bakit naman hindi? Simulan na lang natin sa mga mata nito na nakakatakot t...
