Chapter Twenty-Three

1.8K 37 0
                                        

MALAKAS NA malakas ang kabog ng kanyang dibdib nang makita niya ang isang pigura na nakadapa sa puno ng hagdan nang pababa na siya roon. Ang kaninang nagmamadali niyang mga hakbang ay unti-unting bumagal hanggang siya ay napatigil na at napako sa kanyang kinatatayuan, tatlong hakbang mula sa pigura.

            Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang nagririgodon niyang puso dahil sa kaba ngunit hindi iyon tumalab. Habang tumatagal na nakikita niya ang pigura ay lalo siyang nagkakaroon ng masamang pakiramdam. Para siyang magkakasakit, ang mga tuhod niya ay unti-unting nanghihina kaya naman humawak siya sa balustre upang maagapan ang pagbagsak niya.

            Rebecca was really having a bad feeling about this scene. It was like déjà vu, where she was just standing there looking at the lying body of someone who have been shot.

            Oh, yes, she has seen this scene before and that broke her heart. Her dream. Her life.

            It was the same scene that made her a different person now.

            And yes, she was a lot stronger than before. Kaya ang ginawa niya ay pumikit at muling huminga ng malalim. She composed herself as she started towards the body. Nang nasa puno na siya ng hagdan, ang mga paa niya ay katabi ng braso nito, ay hinakbangan niya ang katawan para makita ang mukha nito na nakapaling sa kanan. Ang kaso, napasinghap siya nang muntikan siyang madulas dahil may naapakan siyang basa.

            Natutop niya ang kanyang bibig at hindi man niya gusto ay kusang nag-alpasan ang mga luha sa kanyang mga mata. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi.

            Dahil sa tulong ng malamlam na sinag ng buwan na tumatagos mula sa salaming bintana ay nakita niya kung ano ang dahilan ng muntikan na niyang pagkadulas.

            Dugo. Naglalawang dugo mula sa nakadapang pigura ng lalaki.

            Pinanlamigan siya. Ang kanyang buong katawan ay nagsimulang manginig dahil sa takot, sa pangamba… Sa galit.

            Napaluhod siya, wala siyang pakialam kahit na ang naluluhuran niya ay ang dugo nito. Ang mga mata niya ay hilam sa luha at hindi pa rin niya mapigilan ang panginginig niya. Ilang beses pa siyang lumunok upang tanggalin ang bara sa kanyang lalamunan ngunit walang nangyari.

            Magkagayunpaman ay naglakas-loob siya. Ang nanginginig niyang mga kamay ay dahan-dahan niyang inihawak sa braso at balikat nito upang maitulak ito patihaya ngunit hindi niya magawa. Nanghihina siya, oo. At hindi niya kayang pagmasdan ang mukha nito.

            “Aries.” Sinapo niya ang kanyang mukha at napahagulgol.

            Alam niyang ito ay isang panaginip ngunit bakit hindi niya mabigyan ng lakas ang sarili niya na gumising? Bakit ramdam pa rin niya ang sakit? Bakit ramdam pa rin niya ang milyon-milyong mga karayom na tumutusok sa kanyang puso? Bakit kailangan pang magpakita ng eksenang ito sa kanyang panaginip?

            Kinalma niya ang sarili. Napagtanto niyang kailangan niyang harapin ang takot niya. Kailangan niyang harapin ang sakit. Inihanda niya ang sarili sa kung ano ang mabibistan niya kapag ginalaw niya ang katawang iyon.

            Muli niyang inilapat ang mga kamay sa balikat at braso nito at buong lakas na itinihaya ito. Nagtagumpay siya ngunit hindi niya napaghandaan ang kanyang nakita.

            Naramdaman niya ang literal na pagtigil ng pag-inog ng kanyang mundo at ito’y unti-unting gumuho. Ang basag niyang puso ay lalo pang nabasag sa mas maliliit pang piraso. Naging maiksi ang kanyang paghinga at halos mawalan siya ng ulirat. Hindi siya maaaring magkamali. Bakit…? Ano ang nangyayari?

A Piece of EverythingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon