ILANG MINUTO na lang ay alam ni Rebecca na papasok na siya sa kuta ng mga leon at kahit wala pa man ay ramdam na ramdam na niya ang tensyon. Wala siyang ideya sa mga mangyayari ngayong gabi. Wala siyang ideya kung ano ang maaaring mangyari sa kanya ngayong gabi.
Humugot siya ng malalim na hininga saka inihimpil sa gilid ng kalsada ang kanyang kotse. Kapag hindi siya huminto ay baka maaksidente pa siya dahil sa panginginig ng kalamnan niya.
Ayaw na niyang isipin pa ang mga posibilidad. Ayaw na niya. Ang kailangan niyang gawin ay ang magtiwala kay Ford at sa mga agent nito. Kailangan niyang ipagkatiwala ang buhay niya rito dahil ito lang ang nag-i-isang tao na handa siyang tulungan.
Natatakot siya. Iyon ay aaminin niya. Sa ikatlong pagkakataon ay natakot siya.
Wala siyang kasiguraduhan kung matutulungan ba talaga siya ni Ford. Wala siyang kasiguraduhan magiging matagumpay ang kung ano mang plano nito.
She scoffed while smiling bitterly. She leaned her head on her hands.
Nakakatawa. Ngayon ay nagsasalita na siya tungkol sa kasiguruhan gayong hindi kahit kailan ay hindi na siya naging sigurado.
Nag-angat siya ng mukha nang marinig niya ang pagtunog ng kanyang cell phone na nasa dash board. Inabot niya iyon at tiningnan kung sino ang caller. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang hindi si Rash iyon kundi ay isang private number na malamang ay si Ford.
Sinagot niya ang tawag.
“Rebecca!” natutuwang saad nito. Kung nasa harap lang niya ito ay susuntukin niya talaga ito.
Heto at namomroblema siya—halos hindi na nga makapag-drive dahil sa takot—ay nagagawa pa rin nitong tumawa. Baliw yata ang lalaking ito. Hindi siya sumagot.
“So you’re on your way, huh? Almost a minute away. Kumbaga sa mga bagong ekspresyon ng mga kabataan ngayon, kaunting kembot na lang.” tumatawang papapatuloy nito.
She pursed her lips. “Ano bang plano mo? At paano mo nalaman kung nasaan na ako?” Habang itinatanong niya iyon ay parang napa-paranoid na nagpaling-linga siya sa paligid.
Maliwanag ang kalsada kaya nakikita niya nang malinaw ang mga nadaan. Ang lahat ay kanyang pinaghihinalaan.
Ford chuckled. “I am tracking you.”
“You are what?” bulalas niya. “First, you planted a mini CCTV and recorder in my house and now… A tracking device? What the hell, Ford?!”
Tila mas lalo lang itong natuwa dahil sa pagkabigla niya.
Nakukunsuming nagbuga siya ng hangin. Walang magagawa ang pagkainis niya rito. What’s important was what his plan. Saka na lang niya ito susuntukin kapag naging matagumpay ang plano nito. Dahil inaamin niya, hindi pa man niya ito nakikita sa personal ay magaan ang pakiramdam niya rito. Alam niyang may kakayahan ito. Alam niyang may isang salita ito.
“As for your question, yes, you have a tracking device and you’ll be shock what it is. And the plan? Wala talagang plano.”
Napakurap-kurap siya. Surely, she didn’t hear him right.
Humalakhak ito mula sa kabilang linya.
![](https://img.wattpad.com/cover/7848230-288-k916851.jpg)
BINABASA MO ANG
A Piece of Everything
ActionCDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit-bahay niyang si Rebecca. Bakit naman hindi? Simulan na lang natin sa mga mata nito na nakakatakot t...