Nagpapasalamat ako sa mga naglagay nitong A Piece of Everything sa kanilang mga Reading List. You don't know how much I appreciate it. *iyak* Haha. OA lang'no? Ah, basta. Maraming salamat!
*****
You are under my skin. I’m attracted to you.
Naiiritang minaniobra ni Rebecca pakaliwa ang kanyang kotse at saka mas binilisan pa ang pagpapatakbo. Naiirita siya dahil hindi niya matanggal sa kanyang isipan ang mga salitang iyon ng bwisit niyang kapit-bahay na “klima” ang pangalan. Alam naman niyang binobola lamang siya nito pero kahit na ano pang gawin niya ay nagsusumisik pa rin ang dalawang pangungusap na iyon sa kanyang makulit na isipan.
“Ah, ewan. 'Wag ka ngang magpaapekto, Rebecca. Kung maka-react ka, sobra.” Pagkausap niya sa sarili. Mabuti na lamang at siya lang ang mag-isa ang nasa kotse. Not that she always has a company but, yeah, she always doesn’t have a company. She preferred on being alone. Mas komportable kasi siya.
Pero ang totoo ay wala siyang mga kaibigan. Walang nagtangkang makipagkaibigan sa kanya o talagang itinadhana lang na hindi siya magkaroon? Ang saklap naman kung ganoon.
Sa edad niyang dalawampu’t pito ay kaya na niyang mag-isa. Kinaya niya ngang mag-isa nang mamatay ang kanyang mga magulang noong siya ay labing anim at kinaya rin niyang muling mag-isa nang mamatay ang kanyang pinakamamahal na nobyo noong siya ay dalawampu’t dalawa.
She can survive more years without leaning into someone.
Napadako ang tingin niya sa isang restaurant sa kabilang panig ng kalsada. “Sina Juan…” pagbasa niya sa pangalan niyon. Tiningnan niya ang digital clock na nasa dashboard at napangiwi. Alas tres na tapos hindi pa siya nagla-lunch. Kumusta naman 'yon?
Kaya naman nag-U turn siya at saka naghanap ng magpa-park-ehan. Nang makapag-park naman siya ay dumiretso na siya sa loob ng restaurant at sinalubong siya ng mabangong amoy ng mga pagkain.
Buffet type restaurant pala iyon. Eat-all-you-can pa. At dahil alas-tres na, meryenda foods ang kakainin niya. Fine. Gutom siya, eh.
Dumiretso siya sa buffet table. Inabutan siya ng lalaking may hitsura ng isang puting plato. Nag-Joy dishwashing? Ang kinis at ang linis ng plato, eh. Parang ngayon lang gagamitin.
Napatingin ulit siya sa lalaki nang magbukas ito ng isang lollipop at shoot iyon sa bunganga nito. Gwapo sana, mukha lang weird. Na cute. Dahil sa suot nitong kulay puting apron na may naka-imprint na malaking apple sa laylayan.
Nahalata yata nito na nakatingin siya rito kaya naman nilingon niya nito. Ngunit hindi tulad ng ibang lalaki na kumikinang ang mga mata kapag nakakakita ng magaganda… Ehem. Ay wala man lang naging ekspresyon ang mga mata nito.
She shrugged. At least, there are still guys who aren’t so flirty.
Sinimulan na lang niya ang pagkuha ng mga makakain. Hindi siya nakain ng pansit kaya d-in-ead-ma niya ang mga canton, bihon, at kung ano pang mga tawag doon. Ang kumuha siya ay Palabok. Yeah, an exemption to the rule of not eating a pansit. Tapos kumuha siya ng good-looking, heavenly smelling blue berry muffins. Mahilig talaga siya sa pastries kaya nga mahal na mahal niya ang special mamon ng Sweet Leaf. Natakam rin siya sa turon at maja kaya kumuha rin siya ng tig-isa ng mga iyon. Sulit ang ibabayad niyang three hundred pesos.
BINABASA MO ANG
A Piece of Everything
AkcjaCDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit-bahay niyang si Rebecca. Bakit naman hindi? Simulan na lang natin sa mga mata nito na nakakatakot t...
