Chapter Twenty-One

2K 37 0
                                        

MAY MGA bagay na gumugulo sa isip ni Chlymate ngayon. Mga bagay na hindi niya maintindihan at mga bagay na kailangan ng kasagutan.

            Una: Bakit mukhang interesado si Ford kay Rebecca? Huwag niya sabihing may gusto ang voice-heard only nilang boss sa babaeng gusto niya? Shit. Huwag naman sana. Pangalawa: Bakit kailangang bigyan pa ng tracking device sa katauhan ng isang anklet at bakit kailangan nilang bantayan ito? Ang mga kilos nito? Pati ang mga taong nakakausap at nakakasalamuha nito? Hindi niya lang talaga maintindihan at hindi naman mabigyan ng magandang kasagutan ang tanong niyang iyon.

            Sa totoo lang, nabubwisit na siya kay Ford. Isang araw ay pinuntahan niya ito—well, not exactly seeing him, of course, because he was a no-show kind of person—para sana mag-demand ng mga sagot kaso… Nang makausap naman niya ito ay sinabi lang nito sa kanya: “You’ll see.”

            You’ll see-you’ll pang nalalaman, hindi na lang sabihin sa kanya ng diretso ang nalalaman para alam niya ang gagawin! Kaso hindi, eh, pa-suspense pa masyado. Peste.

            Those things that Ford was doing didn’t made sense at all. Oh, at least, to him. Sa totoo lang, hindi lang naman siya ang naguguluhan… Maging ang mga kasamahan niya ay karamay niya sa pagkalito. Naguguluhan sila kung bakit nadamay pa si Rebecca samantalang ang tanging nagbibigkis lang dito at sa kaso ay ang kaalaman nilang girlfriend siya ng namayapang si Aries Ballesteros.

            At pangatlo, ipinatigil ni Ford ang patuloy nilang pag-iimbestiga sa kaso ng kuya ni Brylle. That news made Brylle furious. Hindi naman niya masisisi si Brylle. Sino nga ba namang kapatid ang gugustuhing matigil ang imbestigasyon sa kaso na magbibigay-hustisya sa pagkamatay ng isang kamag-anak? Ngunit mas lalong hindi niya masisisi si Ford. Malamang na napundi na sa kanila ito dahil sa loob nga naman ng mahabang panahon ay hindi pa rin nila nahuhuli ang killer ng mga malalaking tao sa bansa.

            The thought made him frown with disappointment.

            Kahit naman siya ay napapagod na sa paghahanap. Kahit naman siya ay napupundi na. Kaya naiintindihan niya ang nararamdaman ni Ford. Alam niyang disappointed ito sa kanila.

            Kaya siguro ito na mismo ang kumilos para ma-solve ang kaso.

            “Hindi niyo na kailangang hanapin ang pumatay kay Domingo Karson at Senator Valles at sa walo pang iba.” Sabi ni Ford mula sa intercom. “Kilala ko na kung sino. Magpasalamat kayo sa akin kaya padalahan niyo ako ng wine, glass chess pieces at bagong intercom, okay? Uh, at saka pizza. Family sized at ang flavor ay lahat ng cheese. At ang gusto ko, isang sexy na babae ang magde-deliver.”

            Nagulat sila sa sinabi nito. Hindi ang mga huling sinabi nito, okay? Kundi iyong sinabi nitong kilala na nito ang killer. Seryoso? Kilala na nito kung sino ang suspect? Paano? Kailan pa? Sino?

            “Ako na ang gumawa ng trabaho niyo dahil naiinis na ako, sa totoo lang. Hindi na tayo makausad dahil lang sa lintek na kasong 'to!” Napapiksi siya kasabay ng iba pa nang tumaas ang boses nito kasabay ang tila pagpukpok nito ng kamao sa ibabaw ng desk. “Ilang beses kong sinabi sa inyo na nasa malapit lang ang hinahanap niyo pero parang hindi niyo naman itinatatak sa isip niyo 'yon! Mga bwisit!

            “Walang magsasalita!” sigaw nito. Inilibot niya ang tingin sa lima pa niyang kasama.

            Mula kay Leng na nakatayo sa tabi ng intercom habang nakangiti hanggang kay Gene na nasa dulo katabi si Cole. Kung mayroon mang masasabi niyang labis na apektado sa mga sinsabi ni Ford ay si Brylle na iyon.

A Piece of EverythingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon