Pasado alas-onse na ay nakaharap pa rin si Rebecca sa kanyang laptop. Nag-aayos siya ng kanyang mga computer files. Naghahalo-halo na kasi kung saan-saan ang mga files niya kaya nahihirapan siyang hanapin ang mga iyon. Kanina pa niya sinimulang ayusin iyon kaya ilang sandali pa ay natapos na siya. She closed the documents and she opened her Facebook account—na si Raffy yang gumawa dahil hindi raw masasabing isa siyang tao kung wala man lang siya kahit Facebook. Eh, sa wala siyang hilig sa mga ganoong bagay.
Pero ayos na rin naman dahil mas naging madali para sa kanya ang pakikipag-communicate. Lalo na sa mga estudyante niya na idinadaan sa messages and e-mails ang mga ipinapasang report at kung ano pang mga ipinagagawa niya rito.
Nakita niyang naka-online si Raffy pero hindi siya nagpadala ng message rito. What for? Baka maistorbo niya ito. Hindi man halata ay isa si Raffy sa mga taong kilala niya na sobrang busy at sobrang dedicated sa trabaho.
Ini-scan niya nang ilang sandali ang kanyang Newsfeed, namili sa kung sino ang kanyang ia-accept as a friend at tiningnan ang walang kwentang Notifications. Walang kwenta dahil hindi naman talaga niya tinitingnan.
Nagpasya siyang mag-logout na sana kung hindi lang siya nagkaroon ng incoming call. Si Raffy ang tumatawag.
She accepted the call while fixing her headphone.
“Hey, yow!” Bati nito at nakita niya na kumaway pa ito. Ang cute pa nito dahil nakatali paitaas ang bangs nito.
Ngumiti siya. “Gabi na, ah.”
“Yeah. Obviously.”
She scoffed. “Magla-logout na sana ako nang tumawag ka.”
“Ay buti naabutan kita. May gagawin ka pa ba?”
“Matutulog na sana.”
“Eeeh! 'Wag muna! Magkwentuhan na lang muna tayo.”
“Ano namang pagkukwentuhan natin?”
“Chlymate.” She said with a smug smile.
Kunwari ay hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nito. Bruha rin talaga. Parang mina-match make pa ako sa “katrabaho” niya. “What about our weather? Hindi ka ba nakanood kanina ng weather report ni Kuya Kim?”
“Aaaw… Rebecca Jerez, don’t play coy. Hindi bagay. You well know that I am not talking about the climate but with Chlymate.” Iginalaw-galaw pa nito ang mga daliri para mag-quotation.
She suppressed rolling her eyes. “Okay. What about him?”
“Well, hmm… It’s pretty obvious that he’s attracted to you, ain’t he? The way he looked at you… Parang… 'Yong parang ikaw lang ang pinakamagandang babae na nakita niya. Ni hindi niya kaya ako pinansin kanina! How dare him!”
She wanted to grimace. Kung alam lang ni Raffy. “Alam mo, nabago lang ang hairstyle mo, kung anu-ano na 'yang nakikita mo. Hindi iyon attracted sa akin.”
“Tse! Hindi attracted your fez! Lokohin mo ang lelang mo. Uulitin ko ang sinabi ko, ah. Obvious na obvious ho, 'ne, na attracted sa 'yo si Totoy Klima, at obvious rin, 'ne, na attracted ka sa kanya.” Raffy clapped her hands, excited. “Yiiie! The feeling is mutual! Bongga!”
Now, she rolled her eyes. “Raffy, have you taken your shots? Parang nakalimutan mo na naman kasing magpaturok ng pampakalma.”
“Heh!” Tumawa ito. “It’s high time for you to have a love life, Becs. Or… Kahit hindi love life. Kahit sex life man lang sana. Sabi ko sa 'yo, tiba-tiba ka ro’n kay Chly. Magaling sa kama 'yon.” Iginalaw-galaw pa nito ang mga kilay at nakangisi nang malapad.
Naaasar na siya, ah. “Bakit mo ba ako binebenta sa kaibigan mong 'yon?”
“Eee-hep! Na-uh. Hindi ko kaibigan ang mokong na'yon 'no. He’s just an acquaintance.”
“He-he,” she said, mockly, “He’s just an acquaintance your face.”
“Uh-huh. So no need for you to get jelly-jelly.”
Pinaikot niya ang mga mata saka bumuntong-hininga. “Goodnight na nga.”
“Uuuy, umiiwas ang lola.”
Tumaginting ang halakhak ni Raffy sa kanyang utak nang mai-log out na niya ang kanyang Facebook account. Inayos niya ang iba pa niyang gamit at mayamaya ay nahiga na rin.
Ang problema, ilang minuto na siyang nakahiga ay hindi siya makatulog. Sa tuwing pipikit kasi siya ay si Chlymate ang nakikita niya… Ang nakakaakit na mga mata nito, ang malandi nitong ngiti, ang malapad na balikat, ang abs—na sa imagination palang niya nakikita dahil hindi pa niya iyon nakikita sa personal—at ang iamhe sa baba…
Itinakip niya ang unan sa kanyang mukha saka sumigaw.
“Syeeet…”
*****
Hindi nakatulog nang maayos si Rebecca kaya ang kinalabasan ay may tumubong eyebags siya. Sinimangutan niya ang sarili sa harap ng salamin. Kung hindi dahil kay Raffy at sa kung anu-anong itinanim nito sa kanyang utak sana ay nakatulog siya. At ang Chlymate na iyon… Isa siyang malaking distraction! With a capital D!
Sana ay hindi niya makita ang lalaking iyon ngayon. Ah, well, hindi naman talaga niya nakikita ang lalaking iyon nang madalas dahil palagi siyang nasa trabaho at ganoon rin naman ito. Ngayon ay pansin niyang hindi pala madalas umuwi ang binata. Kung uuwi man ay palaging madaling araw na at aalis kinabukasan nang sobrang aga. Dahil siguro sa restaurant. Isa nga pala itong pastry chef.
“Well, in fairness to him, masarap iyong blueberry muffin niya.”
Nang matuyo na ang kanyang buhok ay basta na lang niya iyon itinali at saka isinuot ang kanyang salamin. Muli niyang tiningnan ang sarili sa harap ng salamin. Isang faded pink blouse ang suot niya at black fitted pants na pinaresan niya ng three-inches sandals.
She looked okay.
“You look beautiful, Rebecca. Kahit ano pang isuot mo.”
She shook her head as memories of someone flooded her mind. Someone so special. Someone… she loved. And she still loves.
“Aries…”
BINABASA MO ANG
A Piece of Everything
Hành độngCDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit-bahay niyang si Rebecca. Bakit naman hindi? Simulan na lang natin sa mga mata nito na nakakatakot t...
