CHLYMATE PARKED his truck on a space behind their restaurant while checking the time on his wrist watch. Eleven thirty-eight, it said.
Katatapos rin lang ng pag-uusap nila ni Rebecca nang tawagan niya ito habang nagda-drive siya at medyo na-stuck sa EDSA. Ah, teka! Hindi nga pala siya ang tumawag kundi ito! Tumawag ito para magpasalamat sa hapunang ipinadala niya rito.
Talagang pagpapasalamat lang ang gustong sabihin ni Rebecca, pero dahil iyon ang kauna-unahang beses na tinawagan siya nito ay sinunggaban na niya ang pagkakataong makakwentuhan ito sa telepono. Hindi ba’t ganoon ang ginagawa ng mga nagliligawan? Ang mag-usap sa cell phone nang matagal? Ang kaso, hindi iilang beses na muntik na siyang pagbabaan nito, napipigilan niya lang.
Sino ba ang mag-aakala? Ang dating walang pakialam sa paligid na kapit-bahay niyang si Rebecca ay kinakausap na siya. Hindi lang siya, dahil nakikisalamuha na ito sa mga tao sa village nila. Hindi rin miminsang nakita niya itong nakikipagkwentuhan sa may-ari ng Sweet Leaf pati na rin ang pakikipagngitian nito sa mga batang naglalaro sa tapat ng bahay nito.
He was glad.
He can’t help himself but smile every time he saw her. May kakaiba talaga siyang nadarama, at alam na alam niya—hinding-hindi niya itatangi—na gusto niya ito. Mas malalim na nga yata ang pagtingin niya rito pero hindi niya masabi nang malinaw sa ngayon. Nangangapa pa kasi siya, ngayon pa lang niya nadama ang ganoong pakiramdam sa loob ng halos tatlumpung taong pananatili niya sa mundo.
Maaaring unti-unti na niyang natitibag ang invisible na pader na nakapalibot dito ay hindi pa rin iyon sapat. Alam niyang marami pang nakatago sa likod ng pagkatao nito dahil kung hindi ay hindi magiging interesado si Ford dito.
Masyado pa namang pihikan ang boss nilang iyon. Kapag nakita nitong interesante kang tao ay saka ka lamang ito magbibigay ng atensyon. Fortunately, he was one of those people who got his attention. Yes, he was lucky. He was also proud of what he had become because of Ford and his team mate’s help.
Kaya dapat kong malaman kung ano ang nakita ni Ford kay Rebecca.
He was determined. He would know. Soon.
“Nasa Laguna si Cole, 'no?” tanong ni Chlymate kasabay ng pagpasok niya sa kitchen gamit ang back door. Natigilan siya nang makita niyang walang ibang tao na nasa kusina kundi ang isang babaeng nakaupo sa isang stool habang nakain.
Nangunot ang noo niya habang pinagmamasdan ito, mukhang hindi ito aware na naroon siya.
Bahagya itong nakayuko kaya hindi niya makita ang mukha nito, idagdag pa na mayroon din itong bangs. Pero kapansin-pansin na ang magulo nitong buhok ay maganda ang pagkakaayos kanina, iyong ayos ng buhok na French bun kung tawagin. Alam niya ang ayos na iyon dahil ganoon kung ayusin ng mama niya ang buhok nito tuwing may party itong pinupuntahan, ganoon din ang kanyang kapatid.
He tilted his head to the left.
Nakasuot din ang babae ng tube dress na kulay itim na nagpatingkad ang makrema nitong balat. Napangisi siya. Ang sexy rin ng mga balikat nito.
He cleared his throat to get the lady’s attention. She furiously whipped her head to his direction, eyes widening. Napangiwi siya nang makita ang mukha nito na haggard na haggard. Kalat-kalat ang make up nito.
“S-sino ka?” nahihintakutan nitong tanong habang nakaupo nang diretso. Parang halos hindi na nga ito humihinga.
He cursed under his breath. Hindi niya gusto ang tono ng pananalita nito na para bang takot na takot. Damn it! Pangit ba siya? Hindi naman, ah! Hindi siya mukhang rapist! Kidding aside, the lady looked like a scared puppy. Sino ang kinatatakutan nito?
BINABASA MO ANG
A Piece of Everything
AksiyonCDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit-bahay niyang si Rebecca. Bakit naman hindi? Simulan na lang natin sa mga mata nito na nakakatakot t...
