One month later…
“IKAW ANG nakasambot ng bouquet ni Yue,” sabi ni Chlymate kay Rebecca saka mahina siyang binundol sa balikat. “Hindi kaya tayo na ang sunod na ikakasal?” mapang-asar pa nitong dugtong.
Pinatirik niya ang mga mata. “Oh, shut up.” Siniko niya ito.
Pasado alas onse na ng gabi at magkatabi silang nakaupo ni Chylmate sa isang bench malapit sa parking lot kung saan ginanap ang reception ng kasal ni Gene at Yue. Engrande ang naging kasal—na hindi kataka-taka dahil mayaman ang pamilya ni Yue, na anak ng isa sa pinakamayamang business sa bansa—pero hindi iyon ang nakatawag pansin sa kanya. Ang nakakuha sa pansin niya ay ang obvious na kinang ng pagmamahalan sa mga mata ng dalawang ikinasal. Iyong walang pag-aalinlangan. Iyong totoo. Panghabang-buhay.
Muntik na nga siyang maawa kay Gene kanina nang mamutla ito nang ma-late ng ilang minuto si Yue dahil sa traffic. Paano raw kung nag-back out si Yue? Paano raw kung naisip nito bigla na hindi ito ang lalaking gusto ni Yue na makasama habang buhay?
Ang mga lalaki talaga, tanga. Masyado pang negatibo. They always think of the worst so they ended being fucked up. Hay.
Pinagmasdan niya ang bouquet ng white and yellow tulips. Hindi naman sa nakipagbalyahan siya sa ibang babaeng nasa reception para masambot ang bouquet na iyon… Huh. As if namang pagmukhain niyang desperado ang sarili niya. She was not that kind of person. Iyon nga lang, parang magic na lumipad sa direksyon niya ang bouquet na iyon habang nakaupo siya sa isang sulok katabi si Blade—na katulad niya ay bored na pinagmamasdan ang mga babaeng nasa gitna na umaasang masambot ang bouquet at “sunod” na maikasal.
She was shocked of course. Terrified even. Feeling niya nga ay sinadya iyon ni Yue katulad ng pagsadya ni Gene na ihagis sa direksyon ng nakangising si Chlymate ang isang garter. She was set up, she knew. At si Chlymate ang promotor ng pangyayaring iyon.
“Sinadya niyo 'yon.” Hinampas niya sa dibdib nito ang bouquet dahilan upang maglaglagan ang mga talulot niyon sa hita nito.
Inosenteng pinalaki nito ang mga mata. Itinuro pa ang sarili. “Namin? Hindi, ah. Bintangera ka.”
Iningusan niya ito dahil alam niyang nagsisinungaling ito. “Manipulative bastard.”
Eksaherado itong suminghap. “Hindi, ah.”
Hahampasin niya sana ulit ito gamit ang bouquet ngunit pinigilan niya ang sarili. Sayang ang bulaklak. Binundol na lang niya ang binti nito gamit ang takong ng suot niya silver pumps.
This time, naging totoo na ang pagsinghap nito. She scoffed and snickered at Chlymate.
Totoo naman kasi ang sinabi niya. He was as manipulative as Ford.
Hindi naman kasi totoo ang sinabi nitong imbitado siya sa kasal ni Gene. She was not even at the entourage! Ang kapal ng mukha ni Chlymate at kinausap pa talaga nito si Yue para lang isali siya. Nakakahiya.
“Ewan sa 'yo.”
He just chuckled.
Natahimik silang dalawa. Sa loob ng isang buwan mula nang bumalik siya ay hindi siya tinantanan ni Chlymate. He was courting her, and he was so corny. Nabubwisit na siya, sa panlabas. Pero ang totoo ay kinikilig siya. Yes, she was courted before but not this way. Not Chlymate’s way.

BINABASA MO ANG
A Piece of Everything
AcciónCDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit-bahay niyang si Rebecca. Bakit naman hindi? Simulan na lang natin sa mga mata nito na nakakatakot t...