Chapter Nine

2.4K 46 1
                                    

                Umusal si Rebecca ng pasasalamat kay Chlymate nang inihinto nito ang sasakyan sa tapat ng kanyang bahay. Nginitian naman siya nito.

                Pasado alas otso na ng gabi. Dapat ay kanina pa siya nakauwi kung hindi lang siya niyaya, more like pinilit, ni Chlymate na sumama rito na mag-dinner. Sa Sina Juan siya dinala nito. Nalaman niya—dahil ikinuwento nito at ni Greg—na lima ang may-ari ng restaurant na iyon. Si Chlymate, si Greg—ang accountant—si Gene—ang resident “taga-tikim” raw—si  Cole na assistant chef at si Brylle na siyang head chef.

                Nakilala na niya si Cole dahil ito ang nasa likod ng counter. Tahimik ito at seryoso. Si Brylle naman daw ay wala dahil… wala. Walang sinabing dahilan ang mga lalaking iyon sa kanya kung bakit wala ang head chef. Nakakapagtaka iyon. Head chef tapos wala sa kusina?

                She shrugged off that thought.

                Nang lumabas siya mula sa truck ni Chlymate ay sinundan siya nito. Hindi niya ito nililingon ngunit ramdam na ramdam naman niya ang mga titig nito sa kanya. Binuksan niya ang pinto ng kanyang bahay. With a sigh, she turned to face Chlymate who was still busy staring at her silently.

                Napansin niyang simula nang umalis sila sa restaurant ay naging tahimik ito. Parang malalim ang iniisip. Hindi siya sanay ng ganoon ito. Mas gusto niyang maingay ito dahil kapag ganoon ay nababasa niya ito. Ngayon kasi…

                Madilim na at ang tanging tumatanglaw na liwanag sa kanila ay ang liwanang na nagmumula sa mga streetlight. Nakita niya ang munting ngiti sa mga labi nito. Nagparamdam na naman ang mumunting kabog ng kanyang puso.

                Tumikhim siya. “May sasabihin ka ba?” Naiilang na kasi siya. “Bakit ka ba ganyan kung nakatingin?”

                Ngumisi ito. Nakahinga siya ng maluwag. Bumalik na ang Chlymate na kilala niya. “Mami-miss kasi kita.”

                Nagimbal siya. Ilang beses siyang napakurap. Mami-miss? “A-anong sabi mo?”

                “Mami-miss kita.”

                Parang bigla siyang pinangapusan ng hininga. Seryosong-seryoso ang pagkakabanggit nito ng mga katagang iyon. Ano ang ibig sabihin nito? Bakit siya nito mami-miss? Aalis ba ito at hindi na babalik?

                Hindi niya gusto ang ideyang iyon. Nakaramdam siya ng panic.

                “C-can you, please, elaborate?”

                He lightly scratched his temple as he smiled adoringly at her. She could only stare at him. Napaka-gwapo talaga nito.

                “Pupunta kasi ako ng Bohol. Bukas na ang alis ko.”

                Kumunot ang kanyang noo. “A-anong gagawin mo doon?”

                “Kukuha ng inspirasyon.” Ang lawak ng ngiti nito. Pinaningkitan niya ito ng mata. Seryosong-seryoso ito kanina tapos ngayon ay nakikita na niya sa mukha nito na nag-e-enjoy na naman itong asarin siya.

                Bigla siyang nakaramdam ng pagkairita. Pagkairita na tinabunan ang panic na nadama niya kanina. “Niloloko mo ba ako?”

                “Hindi, ah.”

                “Ewan sa 'yo!” she snapped. Tinalikuran niya ito at nang akmang pagsasarhan niya na ito ng pinto ay naagapan nito iyon.

A Piece of EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon