“IKAW ba ang pumatay kay Domingo Karson?” Walang pasubaling tanong ni Ford habang nakapangalumbaba sa kanyang mahogany desk na magulo. Magulo in a way na halos mapuno iyon ng mga folder na hindi niya pa binabasa at mga sticky notes na walang paki na idinikit niya sa gilid niyon. Nakatingin siya sa forty-two inches TV monitor na nasa kabilang panig ng kanyang opisina. Doon ay kita niya ang mga tao na nasa loob ng conference room na kinakausap niya through intercom.
Kitang-kita niya ang pamumutla ni Raffy nang bitiwan niya ang tanong na iyon.
Well, alam naman niyang hindi si Raffy ang pumatay pero hahayaan niyang maghirap muna ang kalooban nito hanggang sa ito na mismo ang magsabi ng mga bagay na kailangan nitong isiwalat na para matanggal ito sa listahan ng mga pinaghihinalaan.
He cocked his head to his left. Naaaliw siyang pagmasdan ang mga naguguluhang ekspresyon sa mukha ng kanyang mga alaga na ni minsan ay hindi pa siya nakikita.
Bakit nga ba siya hindi nagpapakita?
Wala lang. Trip niya lang. Saka nakakaaliw kasing tingnan ang mga ito at malaman ang mga plano nito kung papaano siya mapapalabas sa lungga niya. Ang lungga niya ay hindi naman ang opisina niya kundi ang bahay niya.
Alam niya na bukod sa mga assignment na ibinibigay niya sa mga ito ay ginawa rin ng mga ito ang desisyon at pustahan ang katauhan niya. Napangisi siya. Mga baliw talaga ito. Pero hinding-hindi siya magpapahuli sa mga ito. Isa iyong laro na walang ibang mananalo kundi siya lang at wala nang iba.
“Hindi siya ang pumatay.” Nabalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang tinatamad na tinig ni Blade. Napangisi siya kasabay ng kanyang pagtayo mula sa kinauupuan at saka naupo sa carpeted floor, lotus position sa harap ng telebisyon.
He leaned forward just so he can focus his eyes on the most beautiful girl in his eyes. Blessing “Blade” Ocampo was his. Well, not now but soon.
“Kung ganoon, Blade, ikaw ang pumatay?” he asked, mockingly.
“You knew damn too well that I don’t kill people, Ford. Pero kapag ikaw ay nakita ko, ikaw ang pinakaunang taong papatayin ko.”
Humalakhak siya. Nakakaaliw talaga ang babaeng gusto niya. Ang sarap nitong halikan! Halikan? Nakangising tumikhim siya. “Blade, ang sweet-sweet mo talaga.” Malambing niyang usal, “kapag nagkita tayo, I’m making it sure that you will not be able to kill me. Why? It’s because…” sinadya niyang bitinin ang mga salita niya at naisip na huwag na lang iyong sundan pa. Because in the first place, this meeting was not about flirting with Blade but because of the bold act of Raffy with the consent of Blade.
Napailing-iling siya. Ang sakit sa batok talaga ng mga babae!
“Raffy.”
“S-sir.”
Uy, tinawag na siyang “Sir.” Hindi na lang basta “Boss,” “Chief,” or “Chipmunk!” Gusto niyang kiligin.
“Kung hindi pala si Raffy ang pumatay, at hindi rin si Blade… Sino? Sino sa inyong labing-isa?” Itinaas niya ang kanyang hintuturo para ituro ang mga tao sa monitor na naghihintay ng sunod niyang sasabihin. Ramdam na ramdam niya ang tensyon ng mga ito kahit wala siya sa loob ng kwartong kinalalagakan ng mga ito. Huh. Just by looking at their expressions he could see and feel the thick air of confusion at them.
BINABASA MO ANG
A Piece of Everything
ActionCDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit-bahay niyang si Rebecca. Bakit naman hindi? Simulan na lang natin sa mga mata nito na nakakatakot t...
