May pagmamadali ang bawat hakbang ni Rebecca nang lumabas siya ng kanyang bahay patungo sa kanyang kotse na naka-park sa tapat niyon. Kipkip sa kaliwang braso ang dalawang libro at sa kanang braso naman ay ang kanyang mailman bag.
Initsa niya ang mga libro at bag sa backseat. At nang akmang bubuksan naman niya ang pinto ng driver’s side ay may tumawag sa kanya. Isang napakapamilyar na tinig. Isang tinig na sinambit ang pangalan niya nang mapang-akit. Nararamdaman niya ang presensiya nito sa kanyang likuran. Not too close, yet not too far.
“Good morning.”
Pumikit siya nang mariin at huminga nang malalim bago ito harapin. Ngunit hindi niya napaghandaan ang kanyang makikita nang harapin niya ito.
Standing feet away from her is Chlymate. Sweaty from the morning exercise, smiling gleefully like the morning sun. And naked, from waist up. Showing his ripped six pack abs, long well-developed arms and broad shoulders. His muddy hair long enough to dance sensually at the front of his eyes. He used his hand to set it aside but to no avail because it fell again.
Nanuyo ang kanyang lalamunan. She can’t manage to say a single word. Kinailangan pa niyang lumunok nang ilang beses. At huminga nang malalim nang mas marami pang beses. Binasa niya ang kanyang ibabang labi at saka iyon kinagat.
“You’re going to work, I see.” Usal nito na tinapunan nang saglit ng tingin ang kanyang kotse. “Anong oras ba ang klase mo ngayong…?” tila nag-isip muna ito ng ilang sandali bago sundan ang hindi tinapos na pangungusap. “Thursday?”
At last, she got her tongue back! “Eight.” She looked at her wrist watch. Seven AM sharp ayon dito. “Sige, mauna na 'ko.” Without throwing him a glance, she entered her car and put the keys in the ignition.
Pero hindi siya nakapagpigil kaya naman tiningnan niya pa rin si Chlymate na hindi umalis sa kinatatayuan nito at nakatingin pa rin sa kanya at kumaway.
Ang gwapo ng ungas.
Pero dapat siyang kasuhan ng indecent exposure of six pack abs!
Argh! Peste!
Now, I’m talking to myself. I’m going crazy.
Umiling siya saka ipinihit ang susi pero natigilan siya nang hindi nabuhay ang makina. Sinubukan niya ulit. Subok… Subok ulit. Isa pang subok. “Shit!” She combed her hair, frustrated.
Bakit ngayon pa?!
May kumatok sa bintana niya. Si Chlymate. Na may suot nang sando. Thank God. Dahil parang hindi na niya kayanin kapag nagtagal itong nakaburles sa harap niya. Baka hindi siya makapagpigil at sunggaban niya ito. Rawr!
Muli siyang bumaba ng kotse at hinarap ito. Nakasimangot na iminuwestra niya ang kanyang kotse nang tanungin nito kung ano ang problema.
“It won’t start.”
“Oh…” Pumunta ito sa harapan ng kotse niya at binuksan ang hood. Tumabi siya rito at nakitingin. May kung anong tiningnan ito at may binutingting. Habang busy ito ay hindi niya napigilang tapunan ito ng tingin. Dahil ilang pulgada lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya ay napagmasdan niya ito nang maigi.
BINABASA MO ANG
A Piece of Everything
ActionCDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit-bahay niyang si Rebecca. Bakit naman hindi? Simulan na lang natin sa mga mata nito na nakakatakot t...