MINSAN LANG kung kabahan si Rebecca, at isa ito sa mga pagkakataong iyon. Ang dahilan ng malakas na tahip ng dibdib niya? Walang iba kundi ang lalaking prenteng nakaupo ngayon sa kanyang sofa. Nanonood ito ng isang investigative show sa isang kilalang cable channel habang walang ingay na humihigop ng kape gamit ang paborito niyang tasa. Ang tasa na may malaking crack na ngunit patuloy pa rin niyang ginagamit.
Kung malalaman lamang ng mga tao na kinakabahan siya ng dahil lang sa isang lalaki—isang gwapong lalaki—ay baka pagtawanan siya ng mga ito.
Rash de Vega, the sole child of Renato de Vega—the epitome of rich and power—looked so harmless. Heck. Tamang-tama pa nga rito ang deskripsyon ng mga libro kay Cupid. May kahabaan ang brownish nitong buhok na kulot. Malamlam ang light brown nitong mga mata at tila ba ay palaging nangungusap. Halos perpekto nga rin ang tangos ng ilong nito, ang mga labi ay mamula-mula na parang naghihintay ng isang babae na hahalik dito.
So tell me?! Sigaw niya sa kanyang isip. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay na nasa ibabaw ng kanyang mga hita. Bakit kailangang matakot ako sa kanya?!
Siya rin naman ang makakasagot ng sarili niyang tanong. Because she knew better.
She knew better not to do anything stupid. Baka bigla na lang niyang makita ang sarili na nakabulagta sa sahig habang naliligo sa sarili niyang dugo. No joke.
“So what’s his name?”
Napapiksi siya nang bigla itong magsalita. Naaaliw na tumawa ito. Naaliw sa kanya.
“Rebecca, relax.” Rash said using his soft voice. “You’re so tense. I won’t bite… Of course, unless you let me.” Nakangiti pa nitong dugtong.
Hindi man niya gusto ay kinilabutan siya. Hindi dahil sa sinabi nito kundi dahil na mismo rito. Sa nakangiti nitong ekspresyon na alam niyang peke lamang. Isang pagbabalat-kayo. Isang bagay na kinaiinisan niya rito. Napakagaling nitong manlinlang ng mga tao. At masakit mang aminin, isa siya sa mga nanlinlang na nito.
Binasa niya ang ibaba niyang labi. Ayaw man niyang sagutin ang tanong nito ay wala siyang magagawa. Katulad nga ng sinabi niya kanina, she knew better not to do anything stupid. And one example of being stupid is not answering his question.
“Chlymate.” Sabi niya. Natuwa sa sarili nang hindi siya nabulol.
“Full name, Rebecca. Full name,” sabi ulit nito saka inilipat ang channel ng TV.
“Chlymate Osman.”
Tumango-tango ito. “Bakit walang translations ang mga ipinapalabas dito sa Animax? Hindi ba nila alam na hindi ako marunong ng lenggwaheng alien?”
She nearly scoffed. Buti na lang, napigilan niya ang sarili niya. Bakit kailangan kasing iyon ang panooran niya kung hindi naman pala siya nakakaintindi ng Nihongo?
Iwinagayway pa nito ang kamay na may hawak na remote sa ere. “Anyways, what’s with him?”
Ang isa pang nakakainis rito ay hindi ito kumpleto kung magtanong. Kailangan niya muna tuloy mag-isip nang maigi para lang makasagot ng tama. “Chlymate?”
“Yes.” Sa wakas ay binalingan na siya nito. His eyes bore into her, that same look as if he has the capability of reading her thoughts. “What’s his work?”
BINABASA MO ANG
A Piece of Everything
AcţiuneCDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit-bahay niyang si Rebecca. Bakit naman hindi? Simulan na lang natin sa mga mata nito na nakakatakot t...