Chapter One
“We’re close!” natutuwang sabi ni Chlymate Osman at saka naupo sa isang stool kaharap si Greg. Sa kaliwa naman niya ay si Gene na tahimik na nilalantakan ang isang bowl ng macaroni salad, sa kanan niya ay si Cole na nakapangalumbaba at nababagot na nakatingin sa kawalan. Si Brylle naman ay nakatayo sa dulo ng mesa at may kung anong isinusulat.
Binalingan niya si Gene, “Hoy, takaw. Baka naman pati ‘yang bowl makain mo. Hinay-hinay, p’re.” Sa kanilang magkakaibigan kasi ay ito ang pinakamatakaw. Kahit anong pagkain ay kinakain nito. Oras-oras pa kung kumain ito. Akala mo ay palaging gutom. Iniisip niya nga kung saan napupunta ang mga kinakain nito dahil hindi naman ito nataba.
Gene threw him a sideway glance and then proceed eating.
Oh… 'Kay.
Sino ba ang pwede niyang makausap? Inisa-isa niyang tingnan ang tatlo pa niyang kaibigan. Napangisi siya. Lahat kasi sila ay nakasuot pa ng apron. Silang lima kasi ay business partners sa itinayo nilang Pinoy restaurant na ang pangalan ay “Sina Juan.” Hanggang ngayon ay natatawa pa rin siya sa pangalan ng restaurant nila. Hindi na nga lang niya maalala kung papaano sila nag-come up sa ganoong pangalan pero pumatok naman sa masa. Buffet type ang restaurant nila and they serve a variety of foods. With Brylle, as their head chef. The guy’s really good at what he’s doing.
Greg was their accountant. Cole was their assistant chef. He was the waiter, and a desert king. While Gene was the “taga-tikim.”
Limang taon na rin ang kanilang business and so far, so good. Mas maraming pa silang nagiging parokyano at balak na nilang magtayo ng pangalawang branch somewhere in Tagaytay.
“Hindi pa ba tayo uuwi?” tanong niya. Lahat ay tumingin sa kanya. He shrugged. “Just asking.” Mag-a-ala una na kasi ng madaling araw at ang karaniwang oras ng pagsasara nila ay alas-dose. Maraming customer kasi ang dumating kanina which is fine. Maraming pera ang pumasok na naman and he can’t wait to have his paycheck. Yeboy!
“Tumawag si Ford.” Lahat sila ay napabaling kay Brylle nang magsalita ito. Tumayo ito sa tabi ni Greg at saka sila tiningnan nang mataman. He took the remote control and clicked the power on.
Sa isang news channel ay ipinakita ang Queza hotel at nagkakagulo ang karamihan. May mga ambulansya at pulis at NBI. Napakunot ang kanyang noo.
“…natagpuang patay si Senator Gregorio Valles sa loob ng men’s bathroom ng Queza Hotel kung saan ginaganap ang isang elite gathering. Sinasabing ang sanhi ng pagkamatay ay isang tama ng bala sa gitna ng noo. At walang makapagsabi kung sino ang salarin o kung pinatay ng senador ang sarili…”
“What the hell?” Narinig niyang usal ni Cole sa kanyang tabi. “Isang tama sa ulo. Tsk.”
“Malinis ang naging pagligpit kay Senator Valles ayon kay Ford.” Pagpapatuloy ni Brylle. “Walang naging bakas o kahit na ano pa. Katulad dati…”
Katulad dati… Nang patayin ang Kuya ni Brylle na isang congressman.
“May hinala si Ford na ang pumatay kay Senator Valles ay ang taong pumatay kay Kuya.” Brylle’s voice became stern and dangerous. He knew why. “Pati na rin sa isang businessman two years ago at sa anak ni Vice President Malon.”
“Posible.” Pagsang-ayon ni Greg. “Pareho ang paraan ng pagpatay. Isang tama sa noo. Sure ball.”
“What we’ll do?” tanong ni Gene na nawalan yata ng gana dahil hindi na nito pinansin pa ang macaroni salad.
BINABASA MO ANG
A Piece of Everything
ActionCDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit-bahay niyang si Rebecca. Bakit naman hindi? Simulan na lang natin sa mga mata nito na nakakatakot t...
