SO I’VE been drugged, she thought, her eyes still closed.
Rebecca knew she madea fool out of herself in assuming that Rash would do a move later rather than sooner. Pagak niyang tinawanan ang sarili niya. Sa pag-i-isip niyang wala itong gagawin kaagad ay ito siya ngayon, nasa loob ng isang kwartong ang tanging paraan para makalabas ay mabuksan ito sa kabilang bahagi. Nakahiga siya sa malambot na kama pero hindi siya nagtangkang tumayo dahil alam niyang i-ikot lang ang paningin niya.
Unti-unti naman nang nagiging maayos ang pakiramdam niya. Nawala na ang pamamanhid at agiw sa utak niya. Nararamdaman na niya ang mga himaymay ng daliri niya at ang maayos na pagdaloy ng kanyang dugo.
She smiled at the fact that they didn’t tie her up. Just stuck in a room she didn’t know where part of this mansion was.
Why did she let her guards down? Well she didn’t know. Siguro ay dahil sa kaalaman niyang hindi siya pababayaan ni Ford? She was holding onto his words. She believed him. She put her trust in him. She just knew that he was a man to his words. Sana lang ay hindi siya nagkakamali sa assessment niya rito. Sana…
Well, crap.
She knew she needed help form others but she also knew that she damn well needed to help herself. Siya ang pumasok sa sitwasyong ito. Mas pinili niyang tahakin ang mundo ng paghihiganti nang hindi iniisip ang mga magiging konsekwensya ng hinaharap. Nilamon siya ng takot. Nilamon siya ng poot. Nilamon siya ng galit.
She was a person who was against violence; she didn’t even watch action movies. But look at her now. Mas masahol pa siya sa mga nasa pelikula. At least ang mga iyon, hindi totoo. Umaarte lang. Eh, siya? This was real life. She killed seven people. She was a cold-hearted bitch who took lives out of revenge.
Bigla ay bumalik siya sa nakaraan. Anim na taon ang nakalipas. Gabi dapat iyon ng pagseselebra sa kanyang kaarawan. Ngunit naiba ang ihip ng hangin.
Nasaksihan niya ang lahat. Nasaksihan niya kung papaanong pinaluhod si Aries ng mga lalaking iyon. Nakita niya kung papaanong pinahirapan ng mga ito ang lalaking pinakamamahal niya para sa ano? Para baguhin ang isip nito sa hindi nito pagsali sa “business” ng mga ito. And when she said business, it was monkey. All about money. All about the shits and craps and dirts of the government officials and big people of the society. Nakita niya kung papaano ng mga ito pagtawanan si Aries nang magmakaawa ito.
Aries just wanted a normal life after his term. With her. Pero naging imposible na iyon nang itutok rito ang isang baril.
Hindi niya makakalimutan ang tagpong iyon.
Ang panlalaki sa mga mata ni Aries na nabasahan niya ng matinding takot. Ng pagkawala nito ng pag-asa. Maging ang pagluha nito. Maging ang pagtanggap nito sa kahihinatnan nito. Ang mabilis na paghinga nito at ang mabilis na tibok ng puso nito ay dinig na dinig niya kahit pa mala-demonyong nagtatawanan ang mga walang pusong iyon.
Nagmakaawa ito. God, nagmakaawa ito. That broke her heart. Aries was always sure of his self. He always has his card tucked under his chin. Pero hindi iyon ang Aries na nakita niya ng mga sandaling iyon.
Nasaktan siya. Ramdam niya ang sakit nito at pagkabalisa. Iyon ang unang pagkakataon na nakitaan niya si Aries ng kahinaan ng loob. Kaya naman nang makita niya iyon ay wala siyang ibang ninais na gawin ay sigawan ito na huwag itong mawalan ng pag-asa. Na magiging ayos ang lahat. Pero sino ang niloko niya? Sa tindi ng takot na naramdaman niya nang mga sandaling iyon ay nagkubli lang siya sa likod ng malaking cabinet habang pilit na pinaliliit ang sarili.
BINABASA MO ANG
A Piece of Everything
ActionCDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit-bahay niyang si Rebecca. Bakit naman hindi? Simulan na lang natin sa mga mata nito na nakakatakot t...
