Chapter Twenty-Nine

1.8K 36 0
                                        

THE ROOM was in full chaos.

            Isa-isa ay nakita ni Rebecca na nagbagsakan ang mga tauhan ni Rash dahil sa mga tama ng bala na tumatagos mula sa haligi hanggang ang salaming iyon ay bumigay na at ang malamig na hangin ng gabi ay pumasok na sa loob. Sigurado siyang sa mga oras na iyon ay siya na lang at si Chlymate ang natitirang buhay sa loob ng kwartong iyon.

            Kung sino man ang mga nagpapaulan ng mga bala nang mga sandaling iyon ay sigurado siyang kalaban; hindi niya kundi ni Rash. Kahanga-hanga. Walang natirang nakatayo at wala man lang sa mga ito ang nakaganti.

            She wriggled her way out of the grasp of the guy who was still holding her in spite of his stillness. She peeked at him and saw that he was shot at his head. She smirked feeling no symphaty towards the guy—and all of them for that matter—who flanked down the floor, blood oozing from their shot remains and grasping for breath. Serves you right. All of you, you bastards.

            Tumayo siya saka niya dali-daling tinungo si Chlymate kahit na sobrang hapdi ng parte ng tiyan niya kung saan hiniwa siya ni Rash. Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi saka pinatingin sa kanya. Ngayon niya lang napagmasdan ang mukha nito nang maigi. He had cuts on his face; sa gilid ng labi. Sa kilay. Nagsisimula na ring mamaga ang mga pisngi nito at mula sa kaliwa nitong sentido ay may kaunting dugo pa rin na umaagos.

            Her breaths came out in a staccato just to calm herself. Sa sobrang pag-a-alala niya rito ay hindi niya namalayang napahigpit na ang paghawak niya sa mga pisngi nito.

            “Ow.”

            “Uh—Sorry.” Binitawan niya ang mukha nito. Pero agad na pinalo niya ito sa balikat not caring if he was injured there.

            She heard him grunted in pain. Okay. So he was injured there. Sorry naman.

            “Bakit ka pa ba kasi pumunta dito?” nanggigigil na tanong niya.

            “Bakit hindi?” he asked. Pain was drawn on his face. Iniisip niya nang mga sandaling iyon ay pinipilit na lang nitong imulat ang mga mata.

            Damn it, pero huwag na huwag itong matutulog! Natatakot siyang hindi na ito magising dahil na rin sa mga tinamo nitong pinsala.

            “Huwag mo 'kong alalahanin,” anito gamit ang nahihirapang tinig. “Ikaw, ayos ka lang? Sinugatan ka niya. Si Rash… Ang gagong 'yon.”

            “I’m fine.”

            Sa totoo lang, nakalimutan na niya si Rash kung hindi lang nito binanggit ang pangalan ng lalaki. Nasaan na nga ba ang Hudas na iyon? Matapos kasi ang unang pagbagsak ng tauhan nito ay nakita niya itong tumakbo pero hindi na niya nasundan kung saan ito nagtungo dahil natumba na nga siya.

            Nagtagis ang mga ngipin niya sa galit at pagkairita. Pero at the same time, she was amused. May kinatatakutan pa rin pala ang lalaking iyon. Takot itong paulanan ng bala at takot itong mamatay, dahil kung hindi, hindi ito tatakbo na parang kuneho na hinahabol ng isang leon.

            She grinned and she almost chuckled.

            “Anong inginingiti-ngiti mo d’yan?” he said, his voice was sounding so gravely.

            Nag-angat siya ng tingin kay Chlymate nang nakangisi pa rin. “Huwag ka na ngang magsalita. Ang pangit ng boses mo.”

            Natawa ito—at umubo. He cleared his throat. “I’m glad you find this whole situation amusing.” Bagsak ang balikat na bumuntong-hininga ito. Nang mga sandaling iyon ay nakitaan niya ng pagkairita ang mukha nito. At para iyon sa kanya. “I really want to strangle your pretty neck for this. Pinag-alala mo 'ko. Shit, ngayon lang ako nag-alala ng ganito! Halos hindi ako makahinga sa takot kanina! Alam mo ba 'yon?!”

A Piece of EverythingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon