Chlymate was humming a song while putting the cover of the cookie box he will give to Rebecca. He chuckled. Biglang gumanda ang umaga niya dahil rito. Napakaganda kasi nito sa suot nitong simpleng kupas na pink blouse na pinaresan pa ng itim na pantalon. Hindi rin nito suot ang salamin nito kaya kitang-kita niya ang mga emosyon na dumaan sa itim na itim nitong mga mata. Na kadalasan ay iritasyon. Iritasyon para sa kanya. Mabuti na iyon kaysa naman noon na walang anumang makikitang emosyon rito. Marami sa mga ka-village nila ang takot na makipagkaibigan rito dahil kahit na maamo ang mukha nito ay mayroon naman itong pader na nakapalibot rito.
He made his way through the living room only to stop because the phone started ringing.
“Chlymate Osman, speaking.” Sagot niya.
“Be here in ten minutes.”
Napangisi siya nang marinig ang seryosong tinig ng kaibigan niyang si Brylle. Ang “here” na tinutukoy nito ay ang Sina Juan. “Okay.”
Agad na pinutol nito ang linya. Typical Brylle. Gusto palagi ay straight to the point. Napailing na lang siya.
Nang makalabas siya ay agad na hinanap niya si Rebecca ngunit wala na ito. “Dammit.” Dali-dali siyang pumasok sa kanyang truck at binuhay ang makina niyon. Malamang na hindi pa nakalalayo si Rebecca. Unless, she took a cab already. Na sana naman ay hindi.
Mabilis ngunit siniguro niyang maingat ang naging pagpapatakbo niya habang patingin-tingin sa gilid ng daan. Nang pagliko niya ay napangiti siya. Naroon si Rebecca. Malapit na ito sa may gate at may pagmamadali ang bawat hakbang. Mukhang minalas itong makakuha ng taxi.
He mentally fist punched. Hindi naman sa gusto niya ang kamalasan nitong hindi makakuha ng taxi pero parang ganoon na nga. He stopped the car in a halt but left the engine alive. He jogged his way in front of Rebecca. Ngumisi siya nang nanlaki ang mga mata nito nang walang anu-ano’y kinuha niya ang mga librong bitbit nito saka hinawakan ito sa braso at hinila sa passenger’s side ng kanyang truck.
“O-oy! Teka!”
Tiningnan niya ito nang masama nang hindi ito pumasok sa loob ng truck niya.
“Ano bang problema mo, ha, Chlymate?” She snapped. “'Di ba, ang sabi ko hindi ako magpapahatid? Kaya kong makapunta sa university nang mag-isa kaya kung pwede, ibalik mo 'yang mga libro ko para makaalis na ako at nang hindi ako ma-late?”
Lumawak ang pagkakangiti niya dahil sa dalawang dahilan: Una, ay tinawag siya nito gamit ang pangalan niya. Parang gusto na niyang paniwalaan ang mga nagsabing ang ganda ng pangalan niya. Mapasalamatan nga si Mama mamaya. At pangalawa ay dahil napagsalita niya ito nang mas mahaba kaysa sa normal. Kinagat niya ang ibabang labi nang tingnan siya nito nang masamaat saka sininghalan.
“Anong inginingiti mo d’yan, ha?”
Tumikhim siya at sumeryoso. Pero sa loob-loob niya ay talagang nag-eenjoy siyang makita ang emosyon nito. Hindi na ito isang babaeng bato. “Wala.” Iminuwestra niya ang nakabukas na pinto. “Pumasok ka na, Rebecca. Lalo kang male-late kung hindi ka pa magpapahatid sa akin.”
Sa nakikita niya ay parang nais na nitong burahin siya sa mundong ibabaw dahil sa sobrang sama ng pagkakatingin nito sa kanya. Sigurado siyang kung talagang nakamamatay ang tingin ay kanina pa siya nakabulagta sa kalsadang iyon at bumubula ang bibig.
Nanatili itong nakatitig sa kanya at hindi kumilos. Nakakunot ang noo nito kaya naman bahagya siyang lumapit rito at gamit ang kanyang mga hinlalaki ay masuyo niyang pinatag ang ang noo nito.
Mukhang hindi nito inaasahan ang ginawa niya kaya siguro ito nagpigil ng hininga. At sa kanyang pagkamangha ay namula ang mga pisngi nito. Pero bago pa siya makapagsalita ay malakas na pinalo nito ang kamay niya at sumakay sa passenger’s seat.
BINABASA MO ANG
A Piece of Everything
ActionCDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit-bahay niyang si Rebecca. Bakit naman hindi? Simulan na lang natin sa mga mata nito na nakakatakot t...
