Chapter Fourteen

2.2K 52 1
                                        

                “GOOD morning, Doctor Mirasol.” Magalang na bati ni Greg sa butihing ginang nang pagbuksan sila nito ng pinto. Sinadya talaga nila ni Greg ang doctor dahil napag-alaman nilang ito ang personal na tumitingin sa lagay ng namayapang si Domingo Karson.

                “G-good morning din.” nautal na turan nito. “Ano ang kailangan niyo? S-sino kayo?”

                Mula sa kanyang likuran ay hinugot ni Chlymate ang kanyang wallet at mula roon ay inilabas niya ang kanyang ID—pekeng ID. “Christoper de Leon, Ma’am, NBI. And this guy beside me is…” Pasimple niyang siniko si Greg. Iniabot naman nito ang ID nito sa doktora.

                “Grae Punzalan, Ma’am.”

                “H-hindi ako magbibigay ng kahit na anong statement. Umalis na kayo!” naaalarmang sigaw nito at mabilis na isinara ang pinto kung hindi lang niya naiharang ang sarili upang maagapan iyon.

                “We are expecting your full cooperation in this case, Ma’am,” aniya. Tuluyan na silang pumasok ni Greg sa loob ng bahay nito. Aroganteng naupo pa siya sa malambot na sofa. Tumabi sa kanya si Greg. “Iyon ay kung may inililihim ka pala.”

                “S-syempre, wala!” Namumutla na ang doktora nang maupo ito sa kaibayo nilang upuan. Halata sa mga ikinikilos nito na hindi ito mapalagay. Tuloy ito sa paggalaw-galaw ng mga kamay nito at ni hindi ito makatingin sa kanila nang diretso. Napapiksi pa ito nang magsalita siya.

                He leaned forward, his elbow resting at the top of knees, clasping his hands together. He stance spoke seriousness. “So tell me, Doc, eksaktong anong oras nadala si Domingo Karson sa ospital niyo?”

                “Mga… Uh, mga alas t-tres.”

                “At anong oras niyo siya natagpuang patay?”

                “Ekskatong six-fifteen.”

                Binalingan niya si Greg. “Estimated time of death ni Mister Karson?”

                “Five-fifty.”

                “Doktora, nasaan ka sa pagitan ng mga oras na five-thirty-five at five-fifty?”

                “T-teka, pinalalabas niyo bang ako ang pumatay sa kanya? Hindi ako!”

                “Wala kaming sinabi na ikaw ang pinalalabas naming pumatay. Mas mabuti ho siguro na sagutin niyo na lang ang mga tanong namin. Baka kasi may masabi lang kayong maaaring magdiin sa inyo. Sagot na lang ng diretso para madali na tayong matapos.”

                “This is harassment!”

                “In what way, Ma’am?” tanong ni Greg.

                “Uh…” resigned, she sighed. “Okay… Hindi ko ito nasabi sa ibang pulis na nagtanong sa akin dahil wala akong tiwala sa mga pulis. Sa inyo ko lang ito sasabihin.”

                Tumaas ang isang kilay niya. Nagkatinginan sila ni Greg.

                “That was five-thirty PM. Nasa loob ako ng opisina ko nang biglang naramdaman ko na lang parang may pumalo sa may batok ko. I just found myself lying on the floor. Nakatulog ako, masakit ang pagkakapalo sa akin pero mayamaya ay nagigising ako kaya nasundan ko ang sinabi niya. Nakita ko rin siya pero hindi malinaw. Nanlalabo kasi talaga ang paningin ko noon.”

A Piece of EverythingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon