Chapter Seventeen

2.1K 41 0
                                        

                ARAW IYON ng Huwebes, hapon na at hindi mapakali si Rebecca.

                Iyon ang araw ng “date” nila ni Chlymate pero mukhang hindi iyon matutuloy. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil imbes na matuwa ay mas malakas ang panghihinayang na kanyang nadarama.

                Mula nang tawagan siya ni Chlymate ilang araw na ang nakalilipas ay hindi na ito muling nagparamdam sa kanya. At naiinis siya.

                Hindi ba’t kapag niyayaya ang isang babae sa date ay dapat na hindi ito tantanan ng lalaki lalo na kapag hindi pa nakapagbigay ng malinaw na sagot? Pero parang wala lang rito iyon. Malamang na napag-trip-an lang siya nito.

                O baka busy? Nasa Baguio nga, remember?

                Wala akong paki kahit nasa Baguio siya o kung saang lupalop pa ng mundo! Dapat siyang magparamdam!

                Wow. Hanga naman ako sa pagiging demanding mo. Eh, kung ikaw kaya ang tumatawag sa kanya, 'no? Praning!

                Praning. Iyon amg tamang term para i-describe siya ngayon. Napa-praning na nga siyang talaga. Kinakausap na niya ang sarili niya, eh.

                “Grumpy, Rebecca.”

                Tiningnan niya ng masama si Abs na nakatayo sa harapan niya, sa kabilang panig ng kanyang mesa rito sa faculty. Wala na kasi siyang klase. Nagpapahinga na lang siya tapos ay uuwi na rin siya mayamaya. “What do you want?” she said, stiffly.

                “Meron ka rin ba?” anito, “Ganyan kasi ang tono ni Jela kapag kinakausap niya ako.”

                “If you haven’t taken noticed, Jela is always, as in always, using this tone when she’s talking with you.”

                “Oy, hindi, ah. Sweet minsan 'yong si Jela.” Nakangising turan nito.

                “At kailan ang minsan na iyon?” Umayos siya ng upo.

                Abs leaned forward then in a low voice, he said: “Kailan?” He chuckled. “When she was under me. Naked.”

                Kasabay ng panlalaki ng mga mata niya ay ang pamimilog ng kanyang mga labi. “Hindi nga?” pabulong niyang tanong. Mahirap na, baka marinig sila.

                Tumawa ito. Tumawa nang tumawa hanggang sa hindi nito napansin na nasa likod na nito si Jela at pinalo ito ng binilot na dyaryo sa ulo.

                “Aray!” Natawa siya nang handa na sana nitong singhalan ang pumalo rito kung hindi lang nito nalaman kaagad na si Jela ang may kagagawan niyon. “Jela! My loves!” He opened his arms wide and was ready to give Jela a big; bear hug kung hindi lang ito umiwas.

                “Ang ingay mo.” Itinulak nito si Abs. “Lumayo ka nga sa 'kin. Ang bantot mo.”

                “Hoy!” Inamuy-amoy ni Abs ang sarili. “Ang bango ko kaya! Ikaw pa nga ang nagsabi na ang bango ko, eh! 'Di ba, sinabi mo? Noong—”

                Namumula ang mga pisngi at tila nahihiya—at nabubwisit—na tinakpan ni Jela ang bunganga ng madaldal na lalaki.

                Natawa siya. Mukhang may progess na nga ang pag-“iibigan” ng dalawa niyang katrabaho.

A Piece of EverythingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon