Chapter Twenty-Eight

1.8K 41 2
                                    

NAKALUHOD SI Rebecca sa harap ng pinto habang kinakalikot ang gilid niyon sa pagbabaka-sakaling mabuksan iyon gamit ang maliit na kawad na nabunot niya kanina mula sa ilalim ng kama. Kanina pa kasi siya nag-i-isip kung papaano makakalabas pero ano ang magagawa ng pag-i-isip kung sa totoo lang ay wala naman talaga siyang maisip?

            Kagat-kagat na niya ang kanyang ibabang labi habang patuloy sa pagsubok na mabuksan ang pinto. Ramdam na niya ang pagpatak ng kanyang pawis mula sa kanyang noo papunta sa kanyang baba. Pinunasan niya iyon gamit ang likod ng kanyang palad. Bwisit, bakit siya pinagpapawisan?

            Kinakabahan siya. Iyon ang totoo. Mamamatay na siya mamaya, syempre sino ang hindi kakabahan sa kaalamang iyon? Na hawak na ng ibang tao ang buhay mo at sa tingin mo ay wala kang magagawa para mapigilan iyon.

            Hindi niya tanggap iyon. Kung mamamatay siya, kailangang mamatay siya nang lumalaban at hindi parang isang duwag na tinanggap na lamang ang pagkatalo. Nang mamuhay siyang mag-isa sa ikalawang pagkakataon ay tinanggal na niya sa kanyang bokabularyo ang mga salitang duwag at pagkatalo.

            “Bwisit,” usal niya. Napapagod na siya dahil kanina pa siya nakaluhod sa harap ng pintong iyon na parang nagdarasal pero walang nangyayari. She thumped her fist on it while breathing hard.

            Hindi rin nilulubayan ni Rash ang isip niya dahil sa mga sinabi nito.

            Si Chlymate…? Napailing-iling siya saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Ayaw man niyang i-acknowledge ang mga sinabi ni Rash ay hindi niya magawa.

            She felt betrayed. Ang tanging tao na hinayaan niyang makapasok sa sistema niya ay isa palang malaking kasinungalingan.

            Kaya ba nakipaglapit sa kanya si Chlymate ay dahil alam nitong siya nga ang killer na matagal nang hinahanap ng grupo nito?

            Posible.

            Pero bakit kailangan pa nitong maging sweet sa kanya? Bakit kailangan pa nitong ipakita sa kanya na mahalaga siya? Bakit kailangan nitong iparamdam sa kanya na importante siya? Bakit nito ipinakita sa kanya na gusto siya nito? Bakit siya nito hinalikan? Bakit siya nito pinapatawa at pinapasaya?

            Bakit… Bakit siya nito hinahayaang mahulog dito?

            Ang drama niya. Hindi na siya natuto na sa panahon ngayon, ang pinaka-mabuting taong kilala mo ay siya palang manlalaglag sa iyo.

            Ang daming bakit na hindi niya masagot at posibleng hindi na masagot. Dahil sinisiguro niya na kapag nakalabas siya rito nang buhay, magpapakalayo siya at walang makakakilala sa kanya. Wala.

            But first, she should get the hell out of this place and probably kill Rash before he killed her. Unahan na lang ito.

            Tiningala niya ang pwesto ng CCTV. Alam niyang nakikita ng mga ito ang kilos niya pero wala siyang pakialam. She was wondering why no one was in her room now dragging her to some light voided space and start torturing her

            She shrugged. Mukhang natutuwa ang mga loko na panoorin siyang naghihirap na mabuksan ang walanghiyang pintong iyon.

            Nanggigigil na idiniin niya ang kawad sa pinto para lang matigilan nang mamatay ang ilaw.

            Itinigil niya ang ginagawa saka nakiramdam sa paligid. Pinatalas niya ang kanyang pandinig pero wala siyang ibang naririnig kundi isang nakakabinging katahimikan.

A Piece of EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon