TUMALSIK ANG baril na hawak ni Rebecca nang sipain iyon ni Rash. Pagkatapos ay hinawakan nito ang dumudugo niyang paa nang mahigpit. Napaigik siya sa sakit at naramdaman niya ang mas masaganang pag-agos ng dugo mula roon.
He tugged at her feet and soon enough, she saw herself lying on the ground, her gaze was on the star-filled sky. Nagpumiglas siya nang kubabawan siya ni Rash. Pinalipad niya ang kanyang kamao sa panga nito at ang naging kapalit noon ay isa ring suntok sa kanyang sikmura.
That blow made all her breath escaped from her lungs. Mas naramdaman niya ang hapdi na dulot ng sugat niya sa tiyan dahil sa ginawang iyon ni Rash. Pero hindi siya papadaig. Desperasyon na lang ang pinanghahawakan niya kaya hindi niya hahayaan ang sarili niya na mawalan ng malay.
Muli siyang nagpumiglas at muli niyang sinubukang suntukin ito.
“Pinapahirap mo lang ang sitwasyon, Rebecca.” Sabi nito saka siya sinakal.
Hindi siya makahinga at dahil doon ay nararamdaman niya ang panghihina niya.
She moved her eyes frantically in attempt to find something near to her. And then she saw a movement at her right, a shadow holding a gun got down a tree. Nakatutok ang baril nito sa kanila ni Rash. Hindi niya alam kung sino iyon kaya kinabahan siya.
Posibleng isa iyon sa mga tauhan ni Rash pero posible ring isa iyon sa mga kasamahan ni Chlymate.
Bigla siyang nabuhayan ng pag-asa. Naisip niyang kung isa iyon sa mga tauhan ni Rash ay malamang na binaril na siya nito.
Unbelievably, she found a new strength. Hindi niya rin kailangan ng negative thought. Ang kailangan niya ay ang paniniwalang makakalabas siya ng ligtas kahit damaged siya physically. Kung noong mga nakaraang araw ay tinanggap na niya ang kapalaran niya sa kamay ni Rash ngayon ay hindi na. She now can’t bear the thought of dying. Not now that she have someone.
Chlymate.
He believed in her and she saw no condemnation in his eyes. It was either he wasn’t still aware that she was a killer or he just didn’t mind that fact. Either way she was glad. She held onto his words… He loved her.
Same here.
Sa oras na makaalis siya rito—sa ilalim ni Rash—ay sasabihin niya iyon kay Chlymate tapos ay magpapakalayo-layo muna siya. Hmm… That thought was appealing.
Pero bago iyon, kailangan niya munang iligtas ang sarili niya dahil nawawalan na siya ng hangin at ang taong nasa di kalayuan ay parang nag-e-enjoy pa habang pinapanood siya—sila.
With a growl, she reached for the handle of the knife that was still emebedded on Rash’s shoulder. Mahigpit na hinawakan niya ang kutsilyong iyon saka niya mas idiniin iyon. Idiniin na nga niya, inikot pa niya.
Humiyaw sa sakit si Rash hanggang sa hindi na mahigpit ang hawak nito sa kanyang leeg. Ang dugo nito ay tumutulo sa kanyang balikat at pisngi.
Humugot siya ng malalim na hininga at ibinuga rin iyon nang malakas. Gamit ang dalawa niyang kamay ay hinawakan niya ang ulo ni Rash ay hinila iyon. Malakas na iniuntog naman niya ang ulo niya rito.
Napaungol ito sa sakit.
Napaungol siya sa sakit. Halos mawalan na naman siya nang ulirat dahil na rin mismo sa kagagawan niya. Pinaling-paling niya ang kanyang ulo para mawala ang ulap na nakikita niya.
BINABASA MO ANG
A Piece of Everything
ActionCDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit-bahay niyang si Rebecca. Bakit naman hindi? Simulan na lang natin sa mga mata nito na nakakatakot t...
