ISINUOT niya ang doctor’s coat at saka tiningnan ang sarili sa salamin. Isinuot niya rin sa magkabilang kamay ang maninipis na gloves.
Mula sa salamin ay nakikita niya ang taong puno ng determinasyon. Taong walang awa. Taong binansagang walang puso. Napangisi siya ng mapait. Matagal nang nawala ang kanyang puso. Mula nang—Marahas siyang umiling. Ito na ang huli at hindi siya papayag na kung kailan huli na ay saka siya lalamunin ng emosyon.
Kaya naman tumayo siya ng diretso. Nakipagtitigan siya sa kanyang itim na itim na mga mata habang inaayos ang lapel ng puting coat na mamaya rin ay mababahiran ng dugo. Well, not literally.
Isinuot niya ang face mask saka lumabas sa opisina ng doctor na hiniraman niya muna ng mga gamit. Nasa sahig ito, nakatulog nang malakas na k-in-arate nya ang batok nito. Tumalungko siya sa gilid nito. “Pahiram muna ng katauhan mo, Doktor. Nangangailangan lang. Hustisya ito.”
Walang kaba at natural na natural lang ang kilos niya habang papunta sa silid kung saan naroon ang beteranong tagapag-balita na si Domingo Karson. Nabaril ito kanina sa braso nito ngunit masyado itong maarte kaya nagpa-confine pa ito sa ospital. Para nga naman makapagtago sa media at sa assassin nito.
Good thinking. Pero mas magaling siyang mag-isip. Siya ang tatapos sa inumpisahan ng taong bumaril rito kanina sa harap ng mga estudyante ng St. Magdalene University.
Hindi man lang siya inusisa ng mga naglalakihan nitong bodyguard. Napaismid tuloy siya. Mga malalaking tao nga, mga wala namang utak.
Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at pasimpleng ini-lock iyon. Sa likod ng suot niyang face mask ay unti-unting nabuo ang isang mapanganib na ngisi.
“Good evening, Mister Karson, how are you feeling?”
Nagmulat ito ng mga mata. Humakbang siya palapit rito. “I-I am fine.”
“Mabuti naman po kung gano’n. Wala na ho bang ibang masakit sa inyo?”
“Ang braso ko lang. Teka, bagong doctor ka ba? Nasaan si Doctor Mirasol?”
Ngumiti siya. “May inaasikaso ho siyang pasyente. Ako na lang raw ho muna ang bahala sa inyo. Huwag ho kayong mag-alala, apprentice niya ako. Malaki ang tiwala niya sa akin kaya hindi ko siya ipahihiya.”
Mukhang nakahinga ito ng maluwag sa sinabi niya. “Mabuti naman. Kung gano’n ay naipaliwanag na niya sa iyo kung ano ang aking tunay na sitwasyon?”
“Opo.”
“Mabuti. You can leave now.”
Pero hindi siya umalis. Bagkus ay lumapit pa siya rito. Naupo pa siya sa kama nito.
“D-doctor?”
Mula sa kanyang likuran ay hinugot niya ang kanyang silenced pistol at mabilis na inilapat ang nguso niyon sa gitna ng noo nito. Nanlaki ang mga mata nito.
“A-anong ginagawa mo?” Nang akmang sisigaw ito ay ipinasok niya sa loob ng bunganga nito ang baril.
Mababa at mahina, ngunit punung-puno ng poot at pagbabanta na nagsalita siya. “Mukhang kailangan kong baguhin ang aking nakasanayan, Domingo Karson. Ang iyong mga kasama ay patay nang lahat. At lahat sila ay binaril ko sa noo, malamang na ikaw lang ang maiiba dahil maingay ka. Hindi ako nagtitiwalang hindi ka sisigaw kung tanggalin ko man ang baril na ito sa loob ng bunganga mo, tama ba ako?”
BINABASA MO ANG
A Piece of Everything
AçãoCDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit-bahay niyang si Rebecca. Bakit naman hindi? Simulan na lang natin sa mga mata nito na nakakatakot t...