Hindi makatulog nang ayos si Rebecca. Ang babaw ng tulog niya. Bawat tunog na kanyang naririnig ay nakakapagpagising sa kanya. Ang huni ng kuliglig ay parang makasasabog sa tainga niya. Even the soft creaking sound of her bed when she moved made her senses alive.
Hindi siya mapakali kaya naman nagpabiling-biling siya sa kama. Dumapa na siya, tumihaya, umupo, hihiga ulit tapos titingin sa alarm clock na nasa ibabaw ng kanyang bedside table. Pasado alas dos na ng madaling araw. Halos tatlong oras na rin pala siyang nagpipilit makatulog nang ayos.
Breathing out harshly, she pulled herself out of her bed. She went straight to the door to get her jacket. Pupunta siya sa Sweet Leaf. Good thing was, that coffee shop was open twenty-four-seven. Kailangan niya ng pampakalma. She needed sweets.
Humarap muna siya sa salamin para suklayin ang magulong buhok nang marinig niya ang pamilyar na tunog ng isang sasakyan. Ang Chevy truck ni Chlymate.
Hindi man niya gusto ay kumabog ng mabilis ang puso niya. Tinungo niya ang bintana at sumilip sa pagitan niyon at ng puting kurtina. Napigil niya ang hininga nang makita niya si Chlymate na kabababa lang ng truck nito. Napakunot ang noo niya nang mapansing parang pagod na pagod ito.
Nakasandal ito sa truck habang nakayuko. Ang buhok nito ay tumatabon sa mukha nito. Pero kahit na ganoon ay hindi nabawasan ang angkin nitong kakisigan.
Tatlong araw nawala si Chlymate at hindi man niya aminin ay na-miss niya ito. Ah, hindi! Ang kakulitan at kadaldalan lang nito ang na-miss niya! At bakit naman niya ito mami-miss, aber?
Sus. Na-miss mo siya. Masama ang magsinungaling, Rebecca.
Hindi nga sabi, eh!
Huuu. Deny. Deny.
Napapalatak siya. Ang kulit ng malanding konsensya niya!
Nang mapansin niyang gumalaw si Chlymate ay mabilis siyang umalis sa tapat ng bintana. Napahawak siya sa ibabaw ng kanyang kaliwang dibdib. Sa tapat ng kanyang puso na para nang sasabog.
Okay. Sige na nga. Na-miss na nga niya. Patunay naman kasi niyon ang nagririgodon niyang puso. Bakit nga ba siya deny nang deny? Pinahihirapan niya lang ang sarili niya.
Muli siyang sumilip sa bintana. Naroon pa rin ang binata. Hindi umalis sa pwesto, hindi gumalaw.
Thinking about her plan on why she got up from bed, she made her way out her house. Huminga siya nang malalim at niyakap ang sarili bago tuluyang buksan ang pinto. Her eyes settled at Chlymate who raised his head upon sensing her.
Blangko ang ekspresyon ng mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Bigla siyang kinilabutan. Parang ibang tao ang nakatingin sa kanya. Parang hindi si Chlymate ang nakatingin sa kanya. Ano kayang problema nito? May nangyari kaya habang wala ito? Ano ang nangyari rito sa Bohol?
Marami pang tanong ang dumadaan sa isip niya. Hindi siya mapalagay. At nag-aalala siya.
Natauhan siya nang dumiretso ito ng tayo. Kasabay niyon ay ang pagngiti nito sa kanya. Ngunit ang ngiting ibinigay nito sa kanya ay ni hindi man lang umabot sa mga mata nito.
Umihip ang malamig na hangin. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa sarili. Tumikhim siya. “K-kararating mo lang?”
BINABASA MO ANG
A Piece of Everything
ActionCDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit-bahay niyang si Rebecca. Bakit naman hindi? Simulan na lang natin sa mga mata nito na nakakatakot t...
