BAYWALK? KUNOT ang noo na tanong ni Rebecca sa sarili nang mapagmasdan niya daang tinatahak nila ni Chlymate. Ano naman ang gagawin namin dito?
Magsi-swimming, sarkastikong sikmat niya sa sarili.
Mula sa labas ng bintana ng passenger seat ay nilingon niya si Chlymate na ngayon ay busy sa pagmamaneho matapos nitong sabihin sa kanya kanina na aalis sila. Dito pala sila pupunta? Bakit? Nagsisimula na pa namang lumamig tapos ay dis oras pa ng gabi, anong gagawin nila dito, magpi-picnic?
Magsi-swimming nga sabi.
“Ba’t ganyan ang 'itsura mo?” natatawang tanong ni Chlymate nang bistan nito ang kanyang mukha pagkatapos ay inihimpil ang truck nito sa gilid ng kalsada.
Umiling siya. “Nagtataka lang ako kung bakit dito mo ako dinala.”
“Ah, so saan mo pala gusto na dalhin kita?”
Sa langit—Pinutol niya agad ang isiping iyon. Mahalay.
“Wala.” She shrugged. “I just didn’t expect… this.”
“Well, Miss Jerez, with me? Always expect the unexpected.” He smiled, and then nodded. “Ano pang hinihintay mo d’yan? Tara na.”
With those words, he jumped out of his truck carrying two paper bags full of foods they bought in one of those twenty-four seven fast food chain. Sa totoo nga niyan, hindi niya alam kung paano nila mauubos ang mga pagkaing binili ni Chlymate. Dadalawa lang sila tapos ang binili nito ay pang-limahang tao yata ang kakain!
Napailing-iling na lang siya habang sinusundan ito. Hindi niya masakyan ang trip ng isang ito pero nakapagtatakang ayos lang iyon sa kanya. Oh, well, parang lahat naman ng bagay na ginagawa nito ay ayos na sa kanya.
Lahat? Oo. As in lahat. One example was—magpapakaipokrita pa ba siya?—kissing him. She liked kissing him. Who wouldn’t? How would she not like those lips that made her knees wobble and made her forget everything but him? Yes, she would likely want to forget everything and that would be most possible because of him. Chlymate. With him around, she felt like a different person. Ah, no. Not different. She just felt like her old self—that’s more like it—the former Rebecca Jerez.
Dito, nailalabas niya ang kakulitan niya. Dito, naipapakita niya ang iba pa niyang ekspresyon—na hindi siya ang babaeng bato na bansag sa kanya ng mga kapit-bahay nila. Dito, muli niyang nadarama ang maging masaya.
Nakakahawa kasi ang pagiging masiyahin nito. Palagi pa itong nakangiti na para bang wala itong pinoproblema. O kung mayroon man ay magaling nitong naitatago iyon. And she had to admit, she liked his smiles. It was his smile that undid her. Parang bang palaging ipinahihiwatig ng mga ngiti nito na magiging maayos lang ang lahat at wala na siyang dapat na alalahanin pa. Na ito na ang bahala sa lahat at ang kailangan na lang niyang gawin ay maghintay ng kalalabasan ng lahat.
Duh. Right. Duh? Imposible naman ang mga naiisip niya. With the kind of past she had? Nah. Mukhang imposibleng magiging maayos ang lahat.
“Huy, Becca,” untag sa kanya ni Chlymate, hinila siya nitong pabalik sa kasalukuyan. “'Wag kang mag-daydream d’yan. Hindi pa day.”
Pinagmasdan niya ito. Nakasampa ito sa sea wall habang ang mga pinamili nilang pagkain ay nasa paanan nito. Ang kamay nito ay nakalahad sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Piece of Everything
ActionCDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit-bahay niyang si Rebecca. Bakit naman hindi? Simulan na lang natin sa mga mata nito na nakakatakot t...
