GISING NA si Rebecca ngunit hindi siya nagtangkang imulat ang kanyang mga mata. Una, dahil mabigat pa rin ang mga talukap niyon. Pangalawa, alam niyang sobrang liwanag ng silid na kinaroroonan niya. At pangatlo… Wala lang.
Pinakiramdaman niya ang sarili. Komportable siyang nakahiga sa hindi kalambutang kama, pumipintig ang sentido niya, mahapdi pa ang tiyan niya kung saan siya sinugatan ni Rash. Ang malala pa roon ay nangangati ang paa niyang nasugatan.
Napaungol siya dahil mas lumalakas ang udyok sa kanya na kamutin iyon o kaya naman ay kahit sana maikuskos niya iyon sa hinihigaan niya. Ang problema, nang magtangka siyang kumilos ay naglagutukan ang mga buto niya.
Mahina siyang napasinghap. God, why did it felt like she was in the bed for forever not moving a tiniest muscle?
Sa pagkakataong iyon ay iminulat na niya ang kanyang mga mata—only to blink rapidly when her gaze rested on a funny looking mask. Hindi niya alam kung kuneho ba iyon, lobo o pusa. Pero nang mapagtanto niyang nakatitig siya sa isang pares ng mga abuhing mata sa likod ng maskarang iyon ay kinabahan siya.
Frantic ang naging pagkabog ng kanyang dibdib at nagtangka siyang bumangon ready to flee. Pinigilan lang siya nito. Masuyo siya nitong hinawakan sa balikat saka siya inalalayang mahiga muli. Pinisil pa nito ang balikat niya nang magaan.
“Easy there, lass,” usal nito. “You wouldn’t want to hurt yourself more.” Nang masiguro nitong hindi na siya aalis sa pwesto niya ay tumayo ito. Sinalinan nito ng tubig ang baso saka bumalik sa kanya at iniumang sa kanya ang basong may lamang tubig.
Suspicious na tiningnan niya iyon.
The guy chuckled. “Walang lason 'to. Inom na.”
Matigas na umiling siya. “Sino ka?” matalas niyang tanong. She was vulnerable at the moment and she wouldn’t let anyone deceive her. Hindi siya makakapayag na hindi nga siya namatay sa bala ng baril ay mamamatay naman siya sa pagkalason—at katangahan.
Narinig niya itong bumuntong-hininga, umiling-iling pa ito.
Ang ginawa naman ni Rebecca ay inilibot niya ang paningin sa buong silid. It was pretty obvious that she was in the hospital—biglang tumining sa isip niya kung bakit siya naroon. Nag-igtingan ang mga ngipin niya sa galit.
“Rash,” harshly, she uttered.
Mukhang narinig ng lalaki ang sinabi niya dahil ipiniling nito ang ulo pakanan saka siya tinitigan. “He’s suffering from concussion.” He sounded amused and she could picture him smiling from behind that mask. “'Tis the truth that I wanted him alive but if it will be your pleasure he will not, then, okay.”
Kataka-takang nawala ang kabang nadama niya. Napalitan iyon ng amusement dahil sa suot nitong maskara, idagdag pa ang accent nito. It was as if he came from old Scotland kung saan uso pa ang mga clan at tribes. Bukod pa roon, hindi lang pala ang mata nito ang abuhin dahil maging ang buhok nito ay kulay gray.
Matanda na ito?
Parang hindi naman.
“Sino ka?” tanong niyang muli.
Naupo ito sa gilid ng kanyang hospital bed at pinag-krus ang mga braso sa dibdib nito. Damang-dama niya ang titig nito sa kanya. Nanunuot iyon. Tila ba sinasabi nitong “alam ko ang lahat.”
BINABASA MO ANG
A Piece of Everything
ActionCDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang mga salitang inilarawan ni Klima sa kapit-bahay niyang si Rebecca. Bakit naman hindi? Simulan na lang natin sa mga mata nito na nakakatakot t...
