Prologue

2.3K 50 3
                                        

Bilog ang buwan ngayong gabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bilog ang buwan ngayong gabi. Tahimik at tanging mga tunog lang ng kuliglig ang maririnig.

"Hmmp..." Daing niya sapagkat may tali ang kanyang bibig at siya ay nakalambitin ng patiwarik dito sa gitna ng dalawang mga poste sa taas ng isang burol.

Bilog ang buwan ngayon. At kami ay masaya sa ilalim nito. Inilabas  ko na ang aking patalim at inihanda ang palangganang gawa sa bato at inilapag ito sa ilalim niya.

"Hmmp!" Pilit niyang sigaw at maririnig mo ang takot niya.

Bilog ang buwan, at makikita ko ang mukha ng aking asawa at ang aming mga kampon, pula ang kanyang mga mata at naglalagablab sa dilim.

"Rosolina, masaya kami't makakakain na rin tayo sa wakas." Saad ng asawa ko sa akin at nginitian ko siya. Dahan dahan kong hiniwa ang leeg ng aming nakalambiting alay.

Bilog ang buwan, at naiilawan nito ang dugong ngayon ay pumupuno sa aming lagayan. Isa isa na kaming sumalok ng dugo at uminom. Kailangan naming panatilihin ang aming lakas sapagkat nararamdaman kong malapit na ang kanyang pagbabalik, at kailangang handa ako kung mangyari iyon.

Bilog ang buwan, kaya mag-iingat ka at baka ikaw na ang susunod naming maging alay!

"Hahahaha! Hehehehe! Hohohoho!" Tawa ko na umalingawngaw sa tahimik na paligid.

Do not PLAGIARIZE, PLAGIARISM is a CRIME!

All of the characters in this story are purely fictional.  Any relation to other characters,  fiction or not,  or any similarities were not meant by the author.
......

To Joergí, thanks for reading and for judging the illustrations, he's actually rude on judging them sometimes but I love his honesty! And to my sister MICASHATTERED, thanks for being my first reader whenever I freshly wrote a chapter! Love you guys!

Tasio'ng MangkukulamMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon