Chapter 10 - Ang Apat ng Nakaraan

381 16 0
                                    

-TONYO'S PoV-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


-TONYO'S PoV-

"Tonyo! Hmm.. Maigaganti ko na rin ang aking pamilya," saad ng isa sa mga bampira sa nakakatakot na boses.

"Best! Bawang dali!" tili ulit ng apo ni Binida. Naramdaman ko naman ang pagtago ng apo ni Binida sa likod ko at ang pagbantay sa likod namin ng Englishera habang hawak ang bagay na tinatawag niyang 'gun'.

Inihanda ko naman ang aking mga palad, matagal ko ng hindi ito ginagawa.

"Yiehh I'm excited!"

"Best, huwag ganyan!" saway ng apo ni Iya'y sa Englishera.

"Hindi ko inaasahang sa ganito ka nalang matatapos Tonyo," saad ng kaninang bampira kasabay ang palitan ng aming matatalim na mga tingin.

"Ngayon na!" sigaw niya tsaka biglang nagsisugod ang kanina pang nakapaligid sa aming mga bampira. Inihanda ko naman ang palad ko tsaka naglagay ng matutulis na yelo para gawing harang sa paligid naming tatlo.

*bang* *bang*

"Waah! Ang galing! Para kang si Elsa lolo Tonyo!" patalon-talon na hiyaw ng apo ni Binida.

"Best, help us!"

"Waah! Sige sige!" tsaka siya pumulot ng mga bato at itinapon ito sa mga bampira. Di naman sila makalapit sa amin dahil sa ginawa kong harang. Muli akong naglabas ng mahika at inihagis ito sa mga bampira. Unti-unti'y nagiging yelo sila.

"Huwag kang nandadaya Tonyo!" saad ng isang itim na usok na unti-unting nag-aanyong tao.

"Muli tayong nagkaharap Tonyo! Takot ka na ba? Huh? Hahahahaha! Hehehehe! Hohohoho!"

"Kailan ka pa natutong magpatawa Rosolina?" saad ko kasabay ng isang ngiti. Pero bigla siyang naghagis ng itim na apoy kaya wala akong nagawa kundi salubungin ito ng yelo.

"Ohw, saan napunta ang ngiti mo?" saad niya tsaka ngumisi.

*click* *click*

"Oh sh*t, I'm out of bullet!" napatingin naman ako sa kanila ni Myrna.

"Lo!" tili naman ng apo ni Binida. Agad ako'ng gumawa ng yelong harang para protektahan sila gamit ang isang kamay ko samantalang ang isa nama'y nilalabanan si Rosolina.

"Jasmine, dali, kunin mo ang Olivia sa supot ko!" pasigaw ko nang utos.

"Tons, madami pa ang parating!" sigaw ni Rat-rat sa taenga ko upang aking marinig dahil na rin sa ingay na likha ng mga bampira.

"Tayo na lo, bukas na ang Olivia!"

"Mauna na kayo, dali!" agad namang sumunod ang dalawa. Kapag sumunod ako'y tatamaan lang kami ng itim na apoy ni Rosolina. Maya-maya pa'y muling nagsara ang Olivia at lumiit.

Tasio'ng MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon