Chapter 23 - STL

287 14 0
                                        

-JASMINE's PoV-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-JASMINE's PoV-

"Lance?!" bumagsak ang mga tuhod ko kaya gumapang nalang ako papunta kay Lance. Nanghihina ulit ako. Hindi ko ma-control ang panginginig ng katawan ko pati ang aking mga luha.

Napatikip ako sa bibig ko. Ano'ng gagawin ko? Si Lance!

Papalapit na ang dad nina Myrna pero hindi ko maiwan si Lance. Napakabata n'ya pa para dito.

"Kaawa-awang dalaga," tsaka nakahanda na ang mga pangil ng dad nina Myrna.

Sinubukan kong tumayo pero hindi na ulit ako makagalaw.

Si Tasio, kailangan ko ang tulong n'ya. Natatakot ako, mag-isa na naman ako.

Biglang sumikip ang dib-dib ko. Nahihirapan akong huminga. Gusto kong sumigaw pero ayaw sumunod ng bibig ko.

Isang pagsabog ang narinig ko at muling nag-collapse ang iba pang mga building. Kalat na kalat na ang mga debris nito sa paligid. Hindi ako nakikita ni Tasio ngayon.

Malapit na siya. Napaubo na 'ko. Wala nang hanging pumapasok sa katawan ko. Mag-isa ulit ako. Mag-isa uli ako. Wala na 'kong magagawa kundi ang umiyak. Wala na 'kong magagawa.

Biglang may naaninag akong orange na lumabas sa mata ko.

"Hindi ito masakit binibini," at naramdaman ko ang pagdikit ng pangil n'ya sa leeg ko. Ito na ang wakas ko. Ito na.

"Eduardo?" biglang nawala ang pangil na nakadiin sa leeg ko pero nakayuko pa rin ang dad nina Myrna at nakatingin lang sa leeg ko.

"Eduardo?" ulit ng babae. Naramdaman kong may pumatak sa balikat ko. Unti-unti'y muli akong nakahinga.

Lumayo sa 'kin ang dad nina Myrna habang tila naguguluhan. Luha n'ya ang naramdan ko sa balikat at parang 'yon ang ipinagtataka n'ya. Kung bakit siya biglang napaiyak.

"I thought I will see you no more," at nag crack nalang bigla ang boses niya. Ang boses ng mum nina Myrna. Lumingon sa kanya ang dad nina Myrna pero mata nalang n'ya ang pula at wala na ang kanyang pangil.

"I've got mad since you've been gone, you know I can not last a minute without you," tsaka umiyak ang mum nina Myrna.

"Alicia?" nag crack na rin ang boses ng dad nina Myrna. "How dare am I to not to remember my wife?"

"HINDI!" at biglang may humila sa ama nina Myrna. Si Tsism, at nawala sila bigla.

Inipon ko ang lakas ko upang makatayo. Agad kong nilapitan si auntie Alicia at niyakap.

"I missed him so much," she whispered as we hug. "I love my Eduardo."

"EEDWARD? Waah! Nasaan se Edward?" hindi ko pinansin si Yaya kasi nais kong i-comfort ang mum nina Myrna. "Oh my! Waah! Patay man na!" at nilapitan ni Yaya si Lance.

Tasio'ng MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon