Chapter 17 - Nekoruk

307 16 0
                                        

-JASMINE's PoV-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


-JASMINE's PoV-

"Nekoruk? Nekoruk ka ba?" tumango naman ang napakaliit na ibon, mas maliit pa 'to sa maya eh. At ang cute - cute niya! Bigla tuloy nawala ang inis ko. 'Di ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng sudden joy.

Inilahad ko naman ang dalawang palad ko sa kanya at pumatong naman siya dito. Kahit madilim ang kwarto ay nakikita ko pa rin siya dahil sa kanyang pag glow.

Ang cute cute niya talaga! Inilapit ko naman ang mukha ko sa kanya at ikiniskis naman ng nekoruk ang mukha niya sa 'kin. Waah! Kung nakita n'yo lang! Kung nakita n'yo lang ang cuteness niya!

Inilayo ko na ang mukha ko sa kanya habang siya nama'y nakatitig lang sa 'kin.

"Ano kayang pwedeng ipangalan sa 'yo? Hmm..." nagpaikot-ikot naman siya sa kamay ko na parang excited din.

"Ang cute mo! Huhu! Ahm lalaki ka ba? Ouch!" saad ko nang bigla niya kong tinuka at tinignan ako ng nakakunot ang noo. Eh? Ang cute! Hihihi! Para siyang tao.

"Babae ka?" tumango naman siya. May isip 'ata ito. 'Di ko na talaga kailangang mangupit ng Sedno para maintindihan niya ko. Nag-isip naman ako ng pwedeng name niya.

"Dahil cute ka naman, Cuty nalang pangalan mo! Ouch! Sabi ko nga ayaw mo nun," nag-isip ulit ako.. Tinuka na naman niya ako eh.

"Glow! Ouch!"

"Orange! Ouch!"

"Eruck kaya parang nekoruk din ouch!" waah sobra na 'to! Huhu! Makailang beses na niya akong tinuka eh.

"Tutal ang latin word ng beautiful is decorus ahm pwede sigurong.. Teka ba't ganyan ka makatingin?" kasi eh nakafierce look siya at naka ready na naman ang tuka niya.

"Ecia, pwede na kaya 'yon?" tumingala naman siya na parang nag-iisip tsaka tumango.

"Waah ang cute mo! Ecia, tas dalawa tatlo! Galing ko no? Ouch!" tinignan niya ko ng masama pero nag create siya ng sound na katunog ng Ecia pero ibon pa din ang tinig at tinuturo niya pa ang kanyang sarili. So gusto nga niya ang Ecia? Yiehh may alaga na ako!

"Naniniwala ka bang si Tasio ang nangungulam?" ikinibit naman niya ang mga pakpak niya na animo'y sinasabing 'ewan'.

"Waah, panu mo nagagawa 'yan? Ang galing!" tapos eh tinabunan naman niya ng pak-pak niya ang kanyang tuka na akala mo eh mahinhin kung tumawa.

Tapos, bigla siyang tumayo ng taas noo at parang sinasabing 'tignan mo kong mabuti, biglang nag karoon ng parang crystal spot ang katawan niya at nanlaki ang mga mata ko nang hindi na siya orange, isa na siyang ibong gawa sa diamond! Maging ang beak niya pati lahat ng feathers niya! Lahat lahat! Wow! Tapos eh nagkaroon siya ng silver spot ulit at katulad ng nangyari kanina eh nagbago na naman ang kulay at structure niya. Naging silvery na naman siya.

Tasio'ng MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon