Telt...
....Lugar na kapag napuntahan mo'y kailangan mong mag-ingat ng mabuti, dahil kaunting lihis lang ng landas na iyong tinatahak, hindi mo alam kung masisilayan mo pa ang susunod na isang segundo ng iyong hinaharap. Pero humayo ka r...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
-JASMINE's PoV-
Ngayong gabi sisimulan na namin ang plano ni labidabs. Kailangan na naming tapusin 'to. Babalik na daw siya sa Telt. Nagsuot na 'ko ng makapal na jacket at bonnet. Halos 'yan na rin lang ang laman ng balita buong araw... Ang hindi maipaliwanag na phenomenon ngayon. Itong biglaang pag-ulan ng snow.
Kinuha ko na ang phone ko upang tawagan si Myrna at nang makapunta na kami sa Univer-- bumuntong hininga muna ako. Nawawala pa rin pala siya hanggang ngayon.
Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko at bumaba na ng hagdan.
"Sege na ma'am! Pleess!" maktol ni alam n'yo na!
"Pero kasi Yaya, it's too dangerous!" sagot naman ni mommy. Ilang hakbang naman ang aking ginawa at narating ko na ang baba ng hagdan.
"Ma'am, nakekeosap ako ma'am! Baka nandoon si Edward! Uwaah!"
"No, no, no.. Dito ka lang," at wala na ngang nagawa si Yaya sa sinabi ni mommy. Tinignan niya lang ng masama si mommy at nag walk out.
"Maramingnamamatay na hayop sa lamig, marami na ring nagkakasakit," sabi ni daddy na agad kong nilingon kasi pababa na siya ng hagdan na dinaanan ko ngayon lang.
"Sasama ka rin dad?" tanong ko. Tumango naman siya.
"Para sa ano pa't tinuring akong ikalawangpinakamagaling na sundalo ng akingpanahon," sabi ni daddy tsaka may tumamang tsinelas sa mukha niya. "Hon naman! Para saan uli 'yon?" maktol ni dad. Nag kibit-balikat lang si mommy.
"Para matauhan ka na ako ang pinakamagaling nun?" parang 'di sure na sagot niya. Napakamot nalang ng ulo si daddy. Sunod na bumaba sina Tasio at mang Mikey.
"Tayo na," saad ni labidabs.
Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse na nasa labas na ng gate. Sina mommy at daddy ang nasa harap. Kami namang tatlo'y kasya dito sa backseat.
Pinaandar na ni daddy ang kotse patungo sa direction ng Tecsh University.
"May balak kaming bumalik ng Telt," pagbabasag ni daddy sa katahimikan. "Kapag may kakaiba pang nangyaribabalik kami." dagdag niya.
"Talaga po? Pero papano naman kami ni Yaya?" tanong ko. Aray aray, nasasayad ako sa bintana. Katabi ko si Tasio tapos 'yong nasa kabilang side ay si mang Mikey.
"Maiiwan kayo," sagot ni mommy habang tinitignan ako mula sa front mirror.
"Sasama ako! Dili akong papayag na maewan! Sasama ako!" nagulantang kami sa narinig kaya lumingon ako sa likod ko.