Telt...
....Lugar na kapag napuntahan mo'y kailangan mong mag-ingat ng mabuti, dahil kaunting lihis lang ng landas na iyong tinatahak, hindi mo alam kung masisilayan mo pa ang susunod na isang segundo ng iyong hinaharap. Pero humayo ka r...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
-JASMINE's PoV-
"Jasmine! Ang sama ko Jasmine!" umiiyak na sabi ni Yaya, habang inilalapag sa tabi ko si Lobiosia na wala paring malay. "Sana, sana nagtera ako ng Eeedwarrd!"
Binubuhat naman ng mga kalapati ang mga kawal. Si Ecia eh nakadapo lang sa balikat ko. May lumapit sa amin. Mga paniki ni Tasio.
"Binibining Arkidia, magkita nalang tayo sa Heavelania," saad ni Pak at mula sa pagkakakanlong ko ay umangat na si Tasio dahil sa binuhat siya ng mga paniki. Lumipad sila palayo hanggang sa kasing laki nalang sila ng period.
"Nakita n'yo ba si daddy Ya?" tanong ko sa kanya tsaka napaluha.
"Dili ko po naketa se ser, sabe ne Nhiru, nasa Hebelanya daw seya. Se mommy mo Jasmine? Oy, baket ka umeeyak?" at niyakap niya ako.
"Wala na si mommy Yaya Linds," inilagay niya ang ulo ko sa balikat niya. Nakaupo kami kaya madali lang 'yon.
"Buti at natapos rin ang labanan Jasmine," sabi ni Yaya at hinagod ang buhok ko.
Gumalaw ulit ang buntot ni Lobiosia at may kung ano ring bumukol sa neck niya.
Unti-unti ay may lumabas na itim na lady bug sa taenga ni Lobiosia na natunaw bigla.
"Ganyan den ang lomabas kay Dabya!" so ito pala ang reason kung ba't sila nahihimatay.
May dumapo sa harap namin. Si Dovero. Nakatali sa batok niya ang bangkay ni lolo Tonyo. Bumangon si Lobiosia at iniling-iling ang ulo nito.
"Jasmine, kamusta si Tasio?" tanong niya na sinagot ko. "Dinala siya nina Pak sa Heavelania." ngumiti lang siya at tumakbo palayo.
Tinignan ko naman sa balikat ko si Ecia, wala na siya. Mark nalang ng basang luha sa balikat ko ang makikita.
"Tonyo? Oy, bomangon ka na! Mag lelet et gu pa tayo!" at nakita kong umiyak si Yaya na nakasakay na kay Dovero. Lumapit na ako at sumakay rin. Napatingin ako kay lolo Tonyo, sa loob ng damit niya.
"Rat-rat?" saad ko. Pero, hindi na rin siya gumagalaw.
"Patay na rin siya Jasjas. Binata palang si Tonyo, alaga na niya 'yan. Nabuhay si Rat-rat ng mahigit tatlumpung taon dahil sa mahika ni Tonyo. Pero ngayong wala na siya, wala na rin si Rat-rat." sinimulan ng ikampay ni Dovero ang pak-pak hanggang sa umakyat kami ng umakyat. "Wala na rin si Ropata, iniwan nila ako. Patay na sila kapwa." at bumuntong hininga ang higanteng si Dovero. Ang ganda dito sa taas, ang lamig ng ulap.
"Patay?" tanong ni Yaya. Tumango naman si Dovero. "Gosto ko ren maexperyens ang genagawa ni Thalia!" at nagpatihulog si Yaya mula sa likod ni Dovero.
"Waaah! Nahoholog ako! Heelping me!" kinamot ni Dovero ng paa niya ang ulo niya bago nag dive pailalim. Yaya nga naman. Ang kulit eh.
"Hahahaha! Ang galeng! Dalee na Dabru!" at tsaka nasalo na ni Dovero si Yaya na sumisigaw ng... "Thalia! Thalia! Thalia!"