Chapter 6 - Hums

461 20 1
                                    

-DOVEIA'S PoV-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


-DOVEIA'S PoV-

Nakakatakot ang uod na nakuha ni Tasio mula sa sugat ni lolo Tonyo! Matapos gamutin si lolo ay lumapit na si Tasio sa tabi nang kama ni ama.

"Iya'y Binida, mahuhulaan n'yo po ba kung kanino at ano ang mahikang may gawa nito?" tanong ni Tasio kay Iya'y.

"Ilang beses ko nang sinubukan subalit nakaharang ang 'yong sumpa, hindi ko mapasok. Marahil kailangan mo munang bawiin ang 'yong sumpa," saad ni Iya'y. Imposible, sigurado akong hindi iyon babawiin ni Tasio ng walang kapalit.

Mula sa pagkakaharap kay ama'y tumingin sa akin si Tasio. Kung kanina ay parang baliw siyang tawa ng tawa ngayon naman ay napakalamig at seryoso ng kanyang awra.

"Ilang sangkap na ang nakukuha n'yo?" walang emosyon na pagkakatanong niya.

"Paumanhin Tasio, subalit dalawa pa lamang ng aming nakukuha," nakayuko kong saad.

"Paumanhin? Bakit naman? Hindi mo na kailangan pang humingi nun," napatunghay naman ako sa kanya dahil sa kanyang sinagot. Totoo ba ito? Mabuti na ba ulit si Tasio? Napapangiti naman ako sa isiping 'yon.

"Hindi n'yo na kailangang humingi ng pasensya, dahil sa totoo lang...

Hindi ko naman talaga kailangan ang lahat nang sangkap na ipinapakuha ko sa inyo, kung gusto n'yo, maaari niyo ng itapon ang mga 'yan."

Ano? Ayaw pumasok at tanggapin ng utak ko ang mga sinabi niya. Ibig ba niyang sabihin, pinaglalaruan niya lang kami? Pinapagod? Pinapahamak?

"Pinaglaruan mo lang ba kami?" nakayuko kong tanong dahil maiiyak na 'ko.

"Ganun na nga," sagot niya tsaka ngumiti ng ngiting aso. Napatayo si kuya Nhero, nakikita kong nagliliab na ang kanyang mga mata sa galit at lumiab na din ang kamao niya. Sinugod niya si Tasio subalit tinuro lang siya nito at bigla nalang siyang tumilapon.

"Sobra na Tasio!" bulong ko. Ginagalit niya ko. Nag-ipon ako nang nakakasunog ng balat na tubig sa aking kamay.

"Huwag Doveia, nananalaytay ang kidlat sa tubig, matatalo ka lang. Huwag mo na hayaang matulad ka pa sa iyong ama. Huminahon ka apo," kalmadong bulong na payo sa akin ni lolo nang lumapit siya sakin at hinawakan ako sa aking balikat.

Naglaho naman bigla ang tubig sa mga kamay ko. Tama si lolo.

"Hindi mo ba alam na muntik na kaming magkanda matay sa pagod para lang makuha ang mga sangkap pagkatapos ito lang ang sasabihin mo Tasio? Paano kung napahamak ang kapatid mo?" galit na sigaw ni kuya Nhero habang tumatayo mula sa kanyang pagkatilapon.

"Masyado ka naman 'atang nagdadrama Nhero," malamig nitong tugon. Kasing lamig ng kanyang mga mata.

Bumukas muli ang mga labi niya at ang mga binigkas niya ang dahilan kung ba't muli akong napaluha.

Tasio'ng MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon