Chapter 12 - Avocar

349 17 1
                                        

-YAYA LINDA's PoV-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


-YAYA LINDA's PoV-

"~Kahet na gabeng madelem sa lebes ng nayun

Tagenteng netong kodyape ay esang hematong~"

*ding* *dong*

*ding* *dong*

Ay! Napategel naman ako sa pagkanta habang naghohogas ng penggan dahel sa nag durbil ba. Dale-dale akong pomonta sa pento at benoksan eto.

"Good evening Yaya Linds!" oi titsir pala eto ne maam Jasmine eh.

"Ay! Good ebning den maam! Ano po ang kaelangan nenyo?"

"Ahm, is Jasmine's here? I just want to inform you that our enrollment will going to start three weeks from now, could you inform her?" Tawagan ko nalang seguro mamaya si Jasmine!

"Opkors maam! I well telleng her later! She's bekesyun maam en her so I'll call her and later useng celpone!" Palewanag ko sa kanya.

"Thank you yaya Linds! I'll leave now!" sabe neya habang nagpoponas ng elong neya.

"Engat po kayo maam! Hehe!" pahabol ko habang naglalakad na seya paales.

Pero lumengon ulet se titser, ay ang kulet den neto eh!

"Is she with Myrna?"

-MAMAMANGKA's PoV-

Agad akong lumangoy pasugod sa kanya subalit isang gintong liwanag ang bumalot sakin. Biglang bumigat ang aking pakiramdam. Muli kong tinignan ang mangkukulam na may balat ng kalapati sa batok ngunit wala na siya.

Bumilis naman bigla ang alon ng aking puso kaya ginawa ko ang lahat upang makaahon at makapunta sa aking bangkang nasa ayos parin ang pwesto na animo'y hindi nagagalaw.

Sumisikip ang aking puso na tila ba wala ng mahagilap na hangin ang bawat alon ng pintig nito habang ang gintong liwanag nama'y nakabalot parin sa akin. Nahihirapan akong huminga sa ilalim ng tubig?

Nang makaahon ako ay agad akong sumampa sa aking bangka. Ang gintong liwanag nama'y pumasok sa aking katawan at maya-maya'y umilaw ang mga kaliskis ko ng ginto ngunit di ganun kaliwanag. Kitang-kita ko na gumagalaw ang liwanag at mula sa pinakadulo ng aking kamay ay tila kinakain ng gintong sinag ang aking kaliskis.

Bigla akong naiyak sa aking nasilayan. Pagkatapos ng tatlumpung taong nasa ilalim ako ng dagat, at sa wakas... Nawala na ng tuluyan ang aking mga kaliskis at muli kong nasilayan ang aking mga daliri.

"Nagbalik na 'ko," naiiyak kong bulong. Kung sino kaman, salamat sa iyo mangkukulam.

.....

Agad akong napatakbo pagdating ko sa dalampasigan. Naninibago pa ang aking mga paa. Mas lalong hindi ko mapigilan ang alon ng sabik kong emosyon.

Tasio'ng MangkukulamMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon