Telt...
....Lugar na kapag napuntahan mo'y kailangan mong mag-ingat ng mabuti, dahil kaunting lihis lang ng landas na iyong tinatahak, hindi mo alam kung masisilayan mo pa ang susunod na isang segundo ng iyong hinaharap. Pero humayo ka r...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
-JASMINE'S PoV-
Ramdam ko'ng may kung ano'ng pwersang humila sa akin pagkatapos kaming balutin ng color brown na usok. Napapikit nalang ako, pakiramdam ko nga, lalabas na 'ata ang mga internal organs ko. Waah!
Maya-maya pa'y ramdam kong nakapatong na ako sa lupa.
*Bwak* *Bwak*
Oh my!
Bakit ako nasusuka?
Hindi kaya...
*lunok suka*
Yuck! Yuck! Yuck! Mas lalo pa tuloy ako'ng nasusuka! Eeww! Pero ano kasi eh, baka? B-bu hihi! B-buntis ako? Ta-tapos si Tasio ang ama? Hihi!
Haha, ang landi ko! Speaking of... 'Asan na ang mangkukulam na 'yon?
"Ano'ng? Bakit?" rinig ko'ng reklamo niya.
"Problema mo?" tinignan ko lang siya habang nakalutang siya sa hangin. Teka nga, pumunta naman ako sa dulo ng lupa at, waah! Bangin! Ang taas taas pa! Tumakbo ako agad palayo dito, eh sa natatakot ako eh, mahulog pa ko. Pero, parang hindi din bangin eh kasi kung titignan mo, parang ang buong lupang ito ay lumilipad? Totoo pa ba ang mga ito?
"Tss..." sabi niya tsaka siya lumipad patungo sa akin, pero may kung ano siyang nabangga na nagiging kulay blue na ilaw na harang na nagpapatilapon sa kanya.
"'Yan ang problema ko. Dumiretso ka nalang, huwag kang liliko para makarating ka agad sa kaharian," utos nita. Ano daw?
"Waah, samahan mo ko!" sabi ko sabay pout.
"Ilang taon kana?"
"Huh?" naguguluhang tanong ko.
"Bingi ka ba? Tss..." grabe ha, eh ano ba kasing point niya. Siya 'tong biglang nagtatanong ng wala sa topic eh.
"Tss.. Bingi nga. Dumiretso ka nalang diyan, bahala ka sa buhay mo," sabi niya tsaka siya pumailalim.
"HOI TASIO! HUWAG MO KO'NG-- iiwan." sigaw ko sana pero wala na siya eh. Nakakainis talaga ang mangkukulam na 'yon!
Ayan, lumakad na rin ako. Wala naman ako'ng choice kundi magpatuloy diba? Ang dilim pa ng langit, uulan 'ata, tapos ang dami pang fog sa dinadaanan ko, 'di ko masyadong makita ang daan.
Winasiwas ko ang kamay ko para itaboy ang fog pero, wa' epek oh! Bigla namang lumakas ang hangin kaya medyo naging clear.
Akala ko nga may lumipad na higanteng ibon eh dahil sa pagaspas.