Telt...
....Lugar na kapag napuntahan mo'y kailangan mong mag-ingat ng mabuti, dahil kaunting lihis lang ng landas na iyong tinatahak, hindi mo alam kung masisilayan mo pa ang susunod na isang segundo ng iyong hinaharap. Pero humayo ka r...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
-JASMINE'S PoV-
"HOI ANAK GUMISING KANA! NAGHIHINTAY NA SINA MYRNA AT JOHNY SA KUSINA! BUMANGON KA NA AT MA LE-LATE KA NA NAMAN!"
"Wait lang po mom. Isang oras nalang po. Inaantok pa 'ko," sagot ko naman kay mommy na kanina pa nagdadadabog na parang nakasinghot lang ng rugby sa labas ng pinto ng aking kwarto saka ako nagtalukbong ng kumot. Ang sarap sarap talagang matu--
*BOOGSH*
"Ay matulog ka! M-mommy? Ano po'ng gagawin ninyo sa akin? B-bakit kayo may gunting na may dugo?" kinakabahang sabi ko habang panay ang lunok ng aking laway. Sinipa kasi ni mommy ang pinto ko kaya bumukas ito.
"Hoi, Arkidia, babangon ka o kakaladkarin kita? Final exam mo ngayon, hala bumangon ka na kung hindi kakatayin kita!"
*lunok laway*
*lunok laway*
*lunok laway*
WAAAH! Ang sama na ng tingin ni mommy kasi. Para na siyang aswang na handa nang kumagat pag hindi pa ko bumangon!
"Oh ano na Jasmine? Hmm?"
"Waah, babangon na po! Kayo naman, masyado kasi kayong sensitive eh!" sabi ko habang pilit na ngumiti at kumaripas na ng takbo sa banyo saka ko ito ni lock at hinabol ang aking hininga! Waah! Grabe talaga si mommy!
.....
Naligo nalang AGAD ako, oo agad-agad, baka murder-rin pa ako ni mommy eh, pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa kusina para mag-agahan.
"Good morning!" bati ni Myrna sa akin habang fully smile pa.
"Good morning..." nakayuko namang sabi ni Johny, ang kuya ni Myrna.
Mahiyain kasi ang isang ito, si Johny I mean. Kung itatanong n'yo kung sino 'tong dalawang alimango na ito, well, sila ang magkapatid na Tecsh.
Oo, ang may ari ng university na tinutukoy ni ma'am dati, sila 'yon. At nagising nalang ako isang araw, sa tulong ni mommy of course, huhu ang saklap, kaibigan ko na sila.
And yeah, para ng blood related ang turing ni mommy sa kanila. Speaking of blood, dumudugo nga palagi ang ilong ko sa kanilang dalawa, buti na nga lang at nakakaintindi ng tagalog 'tong si Johny pero, he literally don't speak it. Nakkss ko naman! Pero at least, nakakaintindi diba, 'di tulad n'yang si Myrna talagang duguan ng ilong dapat.
"Best, come on, let's eat!" bumalik naman ako sa kasalukuyan nang tawagin ako ni Myrna.
Umupo nalang na ako at... Kakain na sana pero grabe lang makakain ang dalawang 'to ah, dinaig pa ang aso ni manong guard sa katakawan, tsk! tsk! Walang balak magtira. Parang ang daming alaga sa tiyan oh.
Buti nalang talaga at may plato nang may lamang pagkain na nakalaan para sa akin dahil kung hindi, talagang wala na talaga akong makakain.
Ang magkapatid kasi na ito, bukod sa ginawa nang libreng restaurant ang bahay namin aba palagi pa ako'ng ginugutom. Natutuwa kasi sila kay--