Chapter 25 - Unang Lusob

278 12 1
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


-JASMINE's PoV-

"Paa tohod, balekat olo... Wala talaga sela Jasmine."

Nag chi-chirp naman si Ecia at bumalik sa pagkakadapo sa ulo ko.

"Ang tanong la, papano nila tayo makikita?" papano namin sila dadalhin sa labas ng Aziax ngayon? May tumama namang mga nyebe sa balikat ko na nahuhulog pa rin sa langit.

"Kailangan nating pumatong o makatapak sa lugar na hindi rin parte ng Telt Asian."

"Po? Pero papano po? Saan po?" itinuro ni lola ang eroplano. Ngayo'y alam ko na ang gagawin.

.....

Lumipas ang mga oras at kalat na sa buong kaharian ang pagdating namin kasama ang dalawang taga-labas ng Telt Asian... Si Yaya na kanina pa kumikinang ang mata, at si tita Alicia na parang 'di na bago sa kanya ang mga nakikita n'ya. Walang ka amaze-amaze.

"Hala! Uwaah! Nasa olap tayo! Uwaah!" at tsaka hinihigop ni Yaya ang mga clouds at ibubuga. Nandito kami sa Heavelania na nababalot din ng snow.

Ramdam ko namang hinawakan ni mommy ang braso ko bago kami pumasok sa maindoor ng palasyo papunta sa malaking hall kung sa'n makikita ang trono ni Doroles.

"Mabuti at dumating na kayo." saad ng nakaupo sa trono katabi ng anak-anakan n'yang si Doluis.

"Hala, ba't mokhang manyak ang hare?" malakas na pagkakasabi ni Yaya.

Patay! Narinig ito ni Doroles panigurado dahil bigla n'yang itinuro si Yaya at alam kong may lumabas sa daliri n'ya pero bago ito mapunta kay Yaya ay hinarang ito ni lola ng liwanag kaya bumalik ang mahika ni Doroles sa kanya na agad n'yang iniwasan.

"Pangahas ka Iya'y," hindi sumagot si lola sa sinabi ni Doroles pero makikita ang mga talim sa tingin nito.

Walang ibang tao dito maliban sa dalawang nasa trono, dalawang sundalong nakabantay sa magkabilang panig sa trono, ako, si lola, si Yaya, si mommy't daddy, si lolo Tonyo at tita Alicia.

"Masaya ako'ng makita ang pinakamagandang--"

"Asawa ng dating ikalawang sundalo mo." agad na putol ni daddy sa sasabihin ni Doroles.

"Lampedrik, ang dati kong--" biglang naglaho ang trono ni Doroles kaya imbes na maituloy n'ya ang sasabihin n'ya ay bigla s'yang napatihaya. Tumawa naman si Yaya.

"Waah, ang panget neya oh." namula naman ang taenga ni Doroles. Galit, 'yan ang nakikita ko sa kanya.

"Walang hiya ka." at itinuro ni Doroles si daddy pero bago pa man lumabas ang mahika ni Doroles ay nawala bigla ang kamay n'yang nakaturo. Tsaka nagtatatawa si daddy.

"LAMPEDRIK!" galit na na sigaw ng hari.

"Hindi ko inaakalang magagamit ko pa pala ang pangunahing mahikang dalawampung taon kong itinakwil." natatawa pero seryosong saad ni daddy. Papano n'ya nagagawa 'yan?

Tasio'ng MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon