Epilogue

344 14 2
                                    

-JASMINE's PoV-

Bumuka na ang Olivia at tsaka kami lumabas ni daddy at Ecia. Isang green at malawak na kapatagan ang sumalubong sa amin. Maraming mga tumpok ng bato dito, sa bawat bato ay may nabubuhay na mga colorful na mga flowers.

Gaya namin ay marami pang nagsidatingang sakop ng kaharian. Marami ring mga hukay sa lupa na six feet ang lalim ng bawat isa.

Pumunta sa iisang butas sina reyna Patricia, Nhero at Doveia. Malulungkot ang mga mata nila. Kami naman nina daddy at Ecia ay pumunta sa dalawang magkatabing mga hukay.

Ang buong paligid ay napupuno ng malulungkot na awitin ng mga ibon. Ang lugar na ito'y para ng isang malungkot na paraiso.

May dala-dalang flute si Nhero na sinimulan na niyang hipan na nagcreate naman ng isang napakalungkot na tunog.

May dumating naman na lumilipad. Mga parrots in normal size. By group sila at bawat group ay may pinagtutulungang bitbitin. Parang mummy ang mga bitbit nila ngunit color yellow green lang ang telang nagwrawrapped sa kanila.

May pumunta naman sa amin ni daddy na dalawang grupo ng mga parrots. Bitbit parin nila ang parang mga mummy habang lumilipad sa ibabaw ng mga hukay.

Isang mabagal na tunog ang narinig ko mula sa flute ni Nhero at nang matapos na siya ay biglang tumahimik ang paligid. Walang ni isang tunog ng ibon o paghinga.

Humakbang si Brosiyus papunta sa isang hukay na may lumilipad na mga parrot na may bitbit na mummy. May lumitaw na libro sa kamay niya. Binuklat niya ito at inilipat ang mga pahina.

Ibinuka niya ang bibig at nagsimulang magsalita.

"Para sa mga mahal nating hindi na makikita pa," saad niya.

"Condolence best," napalingon ako. Nakita kong nandito pala ang mga Tecsh at si Yaya. Niyakap ako ni Yaya sa likod, at ni best Myrna.

"Kayo ay patuloy na maglakbay, malungkot man na wala na kayo, hindi kayo malilimot ng Telt Asian." pagpapatuloy ni Brosiyus.

"Ang bituin ay nahuhulog, ang ilog ay may dulo, ang ulan ay tumutila, hangin ay kakalma," at medyo nag crack ang boses ni Brosiyus. Tsaka ko lang napagtantong nakatayo sa tabi niya si Ellius na nakatingin din sa isa pang hukay.

"Liliwanag ang umaga, ngunit mas sasaya ito kung kayo sana'y nandirito." Nagbuntong-hininga muna siya, hirap siyang ituloy ang sasabihim dahil sa pagpigil niya ng luha niya.

"Maraming salamat sa inyong sakripisyo."

Niyakap ni Brosiyus ang anak kasabay ng pag-iyak at pagkawala ng libro.

Muling pinatunog ni Nhero ang flute at dahan-dahang inilalagay ng mga parrots ang mga bangkay sa ilalim ng hukay. Nang mailagay na sila ay nagsiliparan na sila papuntang himpapawid at pinuno ng makukulay nilang balahibo ang langit.

Gumalaw ang lupa at kusa nitong tinatabunan ang hukay. May mga bato ring nagtipon-tipon at nagsitumpok sa taas ng hukay. Bigla ring may mga makukulay na mga bulaklak ang tumubo sa itaas ng mga tumpok na bato. Sa katawan ng bulaklak ay may biglang naukit na binasa ko.

"Binida Vicera ang ika isang libot isang Iya'y ng Telt Asian." at binasa ko naman ang nakaukit sa katawan ng bulaklak ni mommy. "Libitina Easar ang unang kawal na walang pangalan."

.....

"And the last bulb is fix." at pumalakpak na si Yaya. Ibinaba na ni Doveia si uncle Eduardo. Pinalutang kasi niya si Uncle Eduardo para maglagay ng switches at bulbs sa buong kaharian pati na rin ang mga junction box at mga solid wires.

Tasio'ng MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon